Tuesday, March 15, 2016

Paano nga ba ang mag-move on???

OO nga noh... Paano nga ba...
Palasak na ang tanong na ito. Marami na ang dumanas sa ganitong sitwasyon. Bawat isa ay may paraan, bawat isa ay may istorya kung paano nairaos at naiahon ang pusong nalugmok, isipan na natabunan ng kalungkutan at nakapagsimula muli ng panibago. 

Alam mo magtanong ka lang kay Google at madami siyang suggestion na ibibigay sa iyo. Garantiya na may makukuha ka. Magtanong ka din sa mga taong nakaranas na nito. Ika nga ng iba…ang karanasan siyang pinakamahusay ng tagapagturo.

Ang pagmo-move on ay hindi yata talaga maiwasan sa buhay ng tao. Hindi lang naman ito patungkol sa buhay pag-ibig eh. Kasama din dito ang lahat ng pagkabigo sa mga bagay sa iyong buhay.

Kung paraan lang..maraming paraan para mag-move on. Wala na nga akong maisip na bagong salita o pamamaraan. Pero ganoon pa man ay sasabihin ko pa rin ang laman ng aking isipan.
Una..maaaring mong gawin yung mga nakasanayan ng paraan, yung mga naririrnig mo sa mga kabigan mo na hindi pa naman dumaan sa ganito.
Pangalawa…pwede rin yung ginawang paraan ng mga tao na dumaan dito. Sila bang may ginawang mga formula o hakbangin. Yung step by step process. Yung pwede mong mabasa sa libro o sa internet
Panghuli…gumawa ka ng sarili mong paraan o formula kung paano mag-move on. Yung bang tipong masasabing sarili mong paraan.

Sa bagay, kahit ano naman ang piliin mo sa tatlo na yan…kung hindi ka rin magdedesisyon at hindi mo tutulungan ang iyong sarili wala din kwenta lahat ng paraan.


Ika nga ng narinig…kahit gaano man kaikli o kahaba ang pagmo-move on, hindi matatapos yan hangga't hindi mo sisimulan.