Layunin,
Gamit, Metodo at Etika ng Pananaliksik
Layunin
Sa
bahagİng ito inilalahad ang nais makamit sa pamamagitan ng pananalİksİk. Ito
ang tinutukoy na adhikaing nais patunayan, pabulaanan, mahimok, maiparanas, o
ipagawa ng pananaliksik. İsinusulat ito bilang
mga pahayag na nagsasaad kung paano masasagot o matutupad ang mga tanong
sa pananaliksik.
Kapag natapos nang isulat ang buong
pananaliksik, alalahaning balikan ang mga layunin at siguruhing natupad o
nagawa nga ang mga İto. Kung hindi
nasagot sa kongklusyon ang mga layunin, maaarİng hindi nasunod ang wastong
proseso, lumihis sa pokus ng pananaliksik, o naiba ang tunguhİn nito.
Paano bumuo ng layunin?
Ang mga layunin ng pananaliksik ay
kadalasang nabubuo pagkatapos mailatag ang mga tanong sa pananaliksik.
Ibinubuod dito ang mga bagay na nais makamit sa pananaliksik. Sa pagbubuo ng
mga layunİn ng pananaliksik, mahalagang isaalang- alang ang sumusunod:
1.
Nakasaad sa paraang ipinaliliwanag o maliwanag na nakalahad kung ano ang
dapat gawin at paano ito gagawin.
2. Makatotohanan o maisasagawa.
3. Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa at
nagsasaad ng mga pahayag na maaaring masukat o patunayan bilang tugon sa mga
tanong sa pananaliksik.
Ilang
mga halimbawa ng mga pandiwang nagpapaliwanag ng proseso:
Matukoy, maihambing, mapili,
masukat, mailarawan, maipaliwanag, masaliksik, makapagpahayag, maihanay,
maiulat/makapag-ulat, masuri/makasuri, nakapag- organisa, makilala,
makapaghulo, makabuo, makabuo ng konsepto, mailahad, maibuod,
makagawa/makapili, maisa-isa, magamit/makagamit, makapagsagawa, at makatalakay.
Metodo
Ilalahad ang uri ng kasangkapan o
instrumentong gagamitin upang maisagawa ang pamamaraan ng pananaliksik.
Nakabatay sa disenyo at pamamaraan ang instrumento. Halimbawa, kung magsasagawa
ng pakikipanayam, kailangan ang gabay sa panayam o talaan ng mga tanong. Kung
obserbasyon, kailangan din ang isang talaan o checklist na magsisilbing gabay
sa mga dapat bigyang-pansin sa obserbasyon, o kung sarbey naman ay
questionnaire o talatanungan. Kailangang Iaging nasa isip ng mananaliksik kung
masasagot ng instrumento ang mga suliranin ng pananaliksik.
Isinasagawa ang pananaliksik upang
tumuklas ng mga bagong kaalaman at impormasyon na magiging kapaki-pakinabang sa
mga tao. Isang halimbawa ang bagong lumabas na datos na malaki ang tsansang
maging malilimutin ang isang tao batay sa dalas ng kaniyang paggamit ng
smartPhone at Internet. Ayon sa pag-aaral ni Dr. Lee Hadlington, may direktang
kaugnayan ang pagbababad sa Internet at paggamit ng smartphone sa unti-unting
paghina ng isip at memorya ng isang tao.
Gamit
ng Pananaliksik
1.
Maaaring gamitin ang pananaliksik upang bigyan ng bagong interpretasyon ang
lumang impormasyon. Maaaring sa paglipas ng panahon ay magkaroon ng panibagong
imbensiyon na may kaugnayan sa dating pananaliksik.
2.Nagagamit
ang pananaliksik upang linawin ang isang pinagtatalunang isyu.
3.Nagsasagawa
ng karagdagang pananaliksik upang patunayan ang bisa at katotohanan ng isang
datos o ideya. Maaaring kompirmahin ng bagong pag-aaral ang isang umiiral na
katotohanan.
Etika
ng Pananaliksik
Narito
ang ilan sa mahahalagang prinsipyong iyon:
1. Pagkilala sa Pinagmulan ng mga Ideya sa
Pananaliksik. Gaya
ng nabanggit sa unang bahagi ng aralin, ang pananaliksik ay maihahalintulad sa
paglahok sa isang pampublikong diyalogo. Ibig sabihin, bukod sa mananaliksik ay
maaaring marami nang naunang nag-isip tungkol sa partikular na paksang nais
mong unawain at pagyamanin. Mahalaga ang pagbanggit at pagkilala sa iba pang
mananaliksik at iskolar na naging tuntungan at pundasyon ng iyong pananaliksik.
Sa pamamagitan ng diyalogong ito, nakalilikha ng isang komunidad ng mga
mananaliksik na may malasakit at iisang layunin.
2. Boluntaryong Partisipasyon ng mga Kalahok. Kinakailangang hindi pinilit ang
sinomang kalahok o respondente sa pagbibigay ng impormasyon o anomang
partisipasyon sa pananaliksik. Bago simulan ang pagsagot sa sarbey,
pakikipanayam, o eksperimento, kailangang maging malinaw muna sa mga tagasagot
ang kabuuang layunin ng pananaliksik at halaga ng kanilang partisipasyon. Kung
eksperimental, mahalagang maunawaan din ng kalahok ang bigat o inaasahang
peligro ng eksperimento at kailangang buong-loob ang kaniyang paglahok sa
kabila nito.
3.
Pagiging Kumpidensiyal at Pagkukubli sa Pagkakakilanlan ng Kalahok. Kailangang ipaunawa sa mga kalahok
na ang anomang impormasyon na magmumulapkanila ayga amitin laman sa ka
akinabangan ng pananaliksik. Dapat ding pag-isipan ng mananaliksik kung paano
ikukubli ang pagkakakilanlan ng tagasagot lalong-lalo na sa mga pananaliksik na
may sensítibong paksa. Sa mga pagkakataong kailangang isapubliko ang resulta ng
pananaliksik o kaya'y ibahagi sa colloquium o publikasyon, kailangan pa ring
ipagpaalam at hingín ang permiso ng mga tagasagot na pangunahing pinagmulan ng
datos ng pananaliksik.
4.
Pagbabalik at Paggamit sa Resulta ng Pananaliksik. Mahalagang ipaalam sa mga
tagasagot ang sistematikong pagsusuri ng mananaliksik sa kinalabasan ng pag-
aaral. Madalas na nararamdaman ng mga kalahok, lalo na yaong mga nasa
komunidad, na ginagamit lamang sila ng mananaliksik upang kumuha ng datos at
pagkatapos ay parang bulang nawawala ang mga ito. Ito ay dahil sa
mangilanngilan lamang na mananaliksik ang bumabalik upang ibahagi sa mga
kalahokang kinalabasan ng pag-aaral. Kung may awtput tulad ng modelo, pagbuo ng
polisiya, o iba pang mahahalagang rekomendasyon ang pananaliksik, makabubuti
kung ipaalam ito sa kinauukulan upang makatulong sa kapakinabangan ng komunidad
o kaugnay na institusyong pinag-aaralan.
Sanggunian
A. AKLAT
Anatacio
Heidi.C., Yolanda S. Lungat, at Rita D. Morales. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: C&E Publishing Inc., 2016.
Dayag,
Alma M. at Mary Grace G. del Rosario. Pinagyamang Pluma (Kto12) Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.,2016
De
laza, Crizel S. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Quezon City: Rex Book Store,2016
Habijan,
Erico M. Ang Guro: Ika-4 na Edisyon.Metro Manila: St. Clair Printing Sevices
.2017
Habijan,
Erico M. Ang Guro: Ika-4 na Edisyon.Metro Manila: St. Clair Printing Sevices
.2019
Habijan,
Erico M. Ang Guro: Saliksik (Bertud ng mga Edukador). Metro Manila: St. Clair
Printing Sevices Vol.5 Issue No.1.2015-2016
Habijan,
Erico M. Ang Guro: Saliksik (Bertud ng mga Edukador). Metro Manila: St. Clair
Printing Sevices Vol.6 Issue No.1.2016
Jocson,
Magdalena O. Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino: Batayang Aklat.Quezon City:
Vibal Group, Inc.,2016
Taylan,
Dolores R., Jayson D. Petras at Jonathan V. Geronimo. Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino: Unang Edisyon.Quezon City: Rex Book
Store,2016
B. SANGGUNIANG ELEKTRONIKO
LPU
Laguna Journal of Arts and Sciences, “Karanasan ng Isang Batang Ina: Isang
Pananaliksik,” Nakuha noong Hunyo 7, 2020, http://lpulaguna.edu.ph/wp-
content/uploads/2016/10/KARANASAN-NG-ISANG- BATANG-INA-ISANG-PANANALIKSIK.pdf
Academia.edu,
“Epekto ng Paggamit ng Kompyuter sa Akademik Perpormans ng mga Mag-aaral,”
Nakuha noong Hunyo 7,
2020,https://www.academia.edu/10986594/EPEKTO_NG_PAGGAMIT_NG_INTERNET_SA_AKADEMIK_PERP
ORMANS_NG_MGA_MAG_nn