Ngunit sa pagdaan ng mga araw
Sa isipan ko ay may dumadalaw
Tila isang bulong na nagsusumigaw
Na tigilan ang aking nararamdaman daw
Ako’y napapaisip sa tuwing nag-iisa
Na sang ayunan aking sarili na hayaan na lamang siya sa iba.
kahibangan na sinasabi ng isipan ko sa tuwina
Na walang mangyayari sa pantasya na gawa kong mag isa
Ngunit puso’y ko ay nagsusumigaw
At isang matapang at mapanghimagsik na alingawngaw
Kanyang pinapakawalan na sa tenga ko’y tila isang batingaw
na isipan ko ay wag pakinggan at hayaang pag-ibig ang siyang mangibabaw.
Sino nga ba ang dapat kong pakinggan?
Puso ko na nagsusumigaw o aking prangkang isipan.
Na sa tuwina’y nagpapaligsahan
At sa aking sarili sila’y nagtatalastasan.
Aking patuloy na idadalangin sa Maykapal
Na aking nararamdaman ay huwag dumatal
At puso ko ay patuloy na magpagal
Sa pag-ibig ko sa kanya na wagas at tumatagal.
Ano man ang sapitin sa aking paghihintay
Aking katapatan sa kaniya ay patuloy na dalisay
Sa Diyos ay patuloy kong isasaysay
Pag-ibig na taglay sa kaniya ay wag mawalay.
Problema at pagsubok man ay maglapitan
Magpapatuloy sa anumang kalagayan
Lagi kong iisipin at tatandaan
Aalalahanin pangako ko na aking binitawan.
Pangako na siya lamang ang aking iibigin
Kahit na marami pa ang dumating
Sa iba ay hindi na titingin
At siyang siya lamang tanging iibigin.