Sa isang bayan na kung
saan ay may kilalang festival
Marami ang mga
pangyayaring nakagigimbal
Sa mata ng mga
nakakaalam ito'y karumaldumal
At maraming problema
itong kakambal
Ngunit marami ang
nagbubulag-bulagan
Sa mga ganitong
pangyayari at kaganapan
Na sa karamihan dulot
nito ay kahirapan
At ang mga nakikinabang
ay iilan lamang
Ang mga nasa
kapangyarihan
Kung minsan sila pa ang
gahaman
Sa mga ipon at yaman ng
bayan
Na kanilang
pinapipyestahan
Ang ilang nasa posisyon
naman
Mataas o mababa man
Sanay na sanay sa
kalokohan
Kapwa nila’y laging
iniisahan
Katulad na lamang sa
ilang nasa lansangan
Nasa uniporme nila ay
kagalang-galang
Kung manghuli daw ay
walang kinikilingan
Ngunit sa sweldo ay
nakukulangan
Kaya kotongan ay hindi
maiwasan
Ilang mga tsuper ay
napagdidiskitahan
Konting kita nila ay nakukupitan
Walang magawa kundi
mag-abutan
Dito sa isang maunlad na
bayan
Talamak ang korapsyon sa
may lansangan
Mga enforcer ay
nagtitinginan
Sa isang sistema ay
nagkasunduan
May berde puti at dilaw
na plaka
Ngunit dilaw lang dapat
na kilala
Sa pagsakay at pagbaba
ng pasahero
Berde at puti ay pwede
rin magmaneho
Magneho katulad ng jeep
na pampasahero
Kaya marami tuloy ang
nalilito
Bakit hindi malutas ang
sistemang magulo
Kaya parami ng parami
ang luku-luko
Hindi naman sila mga
sira-ulo
Kung umasta ay daig pa
ang mga loko
Napagkakamalan tuloy na
walang ulo
Dahil kung manghuli
kahit kelan nila gusto
Isipan ko’y litong-lito
Bakit ang nangyayari ay
ganito
Mata ng kapangyarihan ay
nagkabato
At di Makita ng mga lumalabag
nito
Oh Panginoon at Diyos
ko!
Ikaw na po ang bahala sa
mga ito
Dahil di naman
maririning munting tinig ko
Sa mga hinaing na mabago
pa ito.