Tuesday, February 2, 2016

Para sa iyo Kaibigan...


Sadyang napakagulo ng salitang pag-ibig… ito nga ba ay isang emosyon lang o isang gawain.
Sa panahon ngayon, maraming mga kabataan ang pumapasok sa isang relasyon na hindi  talaga lubos na nauunawaan ang salitang pag-ibig. Kahit sa tahanan pa lang ay busog na tayo sa pangaral na, hindi pa pwede, wag ka muna anak mag-boyfriend o mag-girlfriend, pagbutihin mo muna ang pag-aaral. Sa paaralan ito rin ay napapaalala sa mga kabataang mag-aaral. Sa simbahan ito rin ay itinuturo, ipinauunawa na walang dakilang pag-ibig kundi ang pag-ibig sa Diyos at sa mga magulang at maging sa kapwa.
Ano man ang iyong dahilan ay hindi kita maaaring husgahan. Iyan ay isang desisyon na pinili mo. Maaring pinag-isipan mo o nabigla ka lamang. Na sana ay hindi naman. Bilang isang nagmamalasakit sa kapwa ko kabataan at mga kaibigan, ang aking isipan ay kusang nag-usal. Maging ang aking puso ay nakisang-ayon na ako  ay sumulat. Kaya dali-dali kong kinuha ang aking laptop at nagsimula na pumindot sa mga letra nito. Eh love month naman eh.
Sa aking mga kaibigan,  ang paalala ko lang ay huwag kayong magmadali sa bagay na ito. Ito ay isang bagay na dapat ay dumadaan sa proseso at patunayan na panahon.  Enjoy mo lang muna ang pagiging isang single. Alam na alam mo naman ang katagang “SA TAMANG PANAHON”. Ituon mo muna ang pagmamahal mo sa Diyos na siyang lumikha sa iyo. Ang Diyos na nagbibigay lahat ng pangangailangan mo kahit kung minsan (madalas pa nga minsan) ay hindi mo ito hinihingi sa kaniya. Itali mo sa isipan mo ang iyong mga magulang na nagpapakasakit at nagpapakahirap para lamang maitaguyod ka niya. Isipin mo kung nakabawi ka na ba sa kanila.  I-consider mo din ang mga tapat mong kaibigan na nakapaligid sa iyo at kasama mo. Silang mga nagsasabi ng katotohanan.
Hindi naman sa kita ay binabawalan. Sino ba naman ako? Hindi mo naman ako magulang o hindi mo rin ako bestfriend o maaaring wala din akong kinalaman sa buhay mo. Ang sa akin lang, ay isang paalala. Paalala upang hindi mo malimutan. Kung minsan kasi ay nabubulagan ka ng tinatawag mong pag-ibig. Maging ang tenga mo ay barado ng pantasya na gawa gawa mo.
TANDAAN MO...HINDI LAHAT NG BAGAY AY MINAMADALI.

Pagdating sa pag-ibig, para itong pag-unawa sa libro ni Dr. Jose Rizal na Noli Me Tangere. Kung bakit upo ang inilagay niya sa Tinola.






VirginiTEA vs. Virginity

Mayroon pa nga ba na CONCERN at nag-iingat sa salitang ito. Alam mo ba pa ba ang kahulugan nito? O ikaw ay binago na rin ng mapaglarong sistema at pagpapalit ng kultura. May nag-iingat pa nga ba? May nagpapahalaga pa kaya? O sadyang niyakap mo na ang kasinungalingan na iyong narinig at nalaman sa lipunan.

Sa lipunan na ating kinalalagyan ngayon, iba na ang takbo at kalakaran na umiiral dito. Ang mga pamana ng lahi na pag-ingatan ito ay binabalewala mo na lang. Kaya nililimot mo na rin kahit habilin ng Diyos. Na ito ay pahalagahan at wag basta ibibigay sa kung kanino na lang na PAKIRAMDAM mo ay mahal mo. Maaring dahil sa isipan mo ay marami na ang gumagawa nito. Kaya pati ikaw ay nahahatak at naakit na sundin ito. Mag-isip ka...hindi ngunit marami ang gumagawa ay tama na sila. 
Hayaan mo na bigyan ka ng kahulugan ng malikot na imahinasyon na ito.

VIrginiTEA – ito ang makabagong baybay sa salitang sagrado na kinalimutan na ng lahat.
Inihalintulad sa isang sikat na patalastas na dapat ay share..share. Hindi ito parang nestea na kahit kanino ay i-shinare mo. Hindi ka rin isang sauce ng pisbol na kahit sino pwedeng sumawsaw sa iyo. Hindi ka rin isang public cellphone na kahit sino naki-insert sa iyo. Kung minsan ang mahalagang bagay na ito ay isang sigarilyo lang ang kapalit. Pwede na rin ang isang bote ng alak. Nangyayari din napagkasunduan lang na gawin kahit walang kapalit kundi pita lang ng laman.

Virginity- ito ay isang sagrado, hindi man sa paningin ng tao pero sa paningin ng Diyos. Minsan lang ito ibinibigay. Kapag ang boyfriend mo ay ito na ang hiningi na wala sa panahon, kahit masakit sa damdamin...hiwalayan mo. Ito ay para din sa iyong sarili, pamilya sa future husband and children mo. Ibibigay mo lang ito sa taong sasabihan mo ng “I DO” sa harap ng altar. Ito rin ang pinaka DA BEST na regalo mo sa magiging asawa mo. At ito ay tunay nakalugud-lugod sa Dakilang Lumikha.
Kapag ang mahalagang bagay na ito ay nawala na, abay mahirap ng ibalik...ay Hindi mo na pala talaga maibabalik. Ikaw ay magiging isang napakalaking LEFT OVER sa isang kainan. Ika nga ng mga nasa kalye...PAGPAG. Sabi naman ng iba TIRA-TIRA.


Kung may isip ka mag-isip ka. Kung wala eh tuloy lang... 

Bisita

Payapa pa noon at walang gaanong problema. Walang iniisip at walang gaanong stress. Ang araw ay lumilipas na maaliwalas. Ngunit isang araw sa akin ikaw ay dumalaw. Hindi ko akalain na ikaw ay  magtatagal. Nakakatuwa ang kanyang pagdating at pagdalaw.  Ang saya ng aming kwentuhan at samahan. Walang araw na hindi niya ako dinalaw. Bawat minuto ay hindi siya nawawala sa aking isipan. Kung minsan gusto ko siyang surpresahin ngunit ako lagi ang nasosorpresa.  Kung minsan apektado pati aking mga ginagawa. Dahil lamang sa kanyang pagbisita.
Naalala ko pa noong unang beses niya akong dinalaw. Ayaw ko sana siyang patuluyin. Hanggang sa hindi ko namalayan na unti-unti kong ibinukas ang pinto at siya ay aking pinapasok. Ang saya pala ng ganoong pakiramdam na bisitahin ka... Ang hirap lang kapag dumating sa punto na hindi mo control ang sarili mo na gusto mo ikaw ang masunod. Ang nakakalungkot lang may mga oras na hindi ka niya mapapansin. At talagang hindi papansinin. Yung tipong ikaw na ang magpapansin pero wala talaga. Kahit anong effort mo ay walang kwenta. Kahit na alam mong bumisita lang naman siya. Ang hirap at masakit pala iyon. Lalo na kapag alam mo naman na hanggang doon lang naman siya sa salitang bisita. 
Hanggang dumating ang isang araw, nagkusa at pinilit kong pinagtabuyan ang aking bisita. Hindi siya nagsasalita, ni isang salita wala akong narinig sa kaniya. Ngunit hindi siya basta umalis. Nananatili lang siya sa kaniyang kinalalagyan. Ang hirap pala. Nagdesisyon ako. “ako na lang ang aalis” sabi ko sa aking sarili.
Kahit masakit ay pinilit kong nilisan ang lugar na kng saan siya ay buisita sa akin. Kalimutan ang kaniyang pagbisita. Ibinaling ko na lang lahat ng aking atensyon at oras sa mga bagay na kapakipakinabang. Tagumpay!!! Isinara ko ang aking pintuan. Nilagyan ng kandado at password. May nakakalapit ngunit walang nakakapasok
Kahit na ito ay mahirap kailangan panindigan at tayuan.
Hanggang sa aking napagtanto.... ang naging problema lang siguro nag-entertain ako kahit alam ko hindi siya ma-eentertain.
Siguro, sa susunod na bibisita siya hahayaan ko lang siya. Tumambay siya hanggat gusto niya. Kapag ready na akong mag-entertain saka ko na siya papansinin. Kapag siya na mismo o pagkasabay kami ng pansin.


Ang hirap pala kapag pag-ibig ang iyong bisita. J