Friday, February 13, 2015

Wag Kang Pipikit

Araw ng Lunes maaga akong gumising. Gumayak ako ng mabilis papasok sa aking trabaho. Sa jeep ako ay sumakay at laking gulat ko wala pang pasahero kundi ako. Naghintay pa ng kaunti si manong driver at ang sabi niya ay 15 minutes lang. Habang naghihintay na umandar ang jeep ay nagbasa muna ako ng isang libro. Hanggang sa di ko na napansin na bumabiyahe na kami. Pahinto-hinto ang jeep sa bawat kanto at naghihintay ng pasahero. Nang huminto sa isang baranggay ay isang magandang babae ang sumakay. Siyempre patay malisya ako. Wala siyang epekto sa akin. Ni hindi ko ng pinansin eh.At biglang may bumulong bakit hindi mo pinansin? Nasabi ko na lang na"hindi naman din niya ako pinapansin eh, patas lang". Halos magkatapat kami sa upuan. ang nang inangat ko ang aking ulo ay dun ko lang napansin ang kanyang damit. Tila ito ay isang mapang-akit na damit. Hindi naman sa malaswa ang kanyang kasuotan kundi bagay lamang sa kanyang katawan na masasabi kong sexy. Dumaan sa isang University ang jeep na sakay ko at biglang naubos ang mga pasahero. Dalawa lang kami na natira sa loob ng jeep. Tuloy lang ang buhay kahit anong mangyare. Ay!Este tuloy lang pala ang biyahe. Sa bawat pagsagi ng aking paningin sa magandang pasehero ay lalong naakit ang aking mata na siya ay muli't muling tingnan. Sa ilang sandali ay biglang nagkaroon ng hiya aking isipan. Hiya na kung saan ay baka ano ang isipin niya. Kaya ang sinabi ko ay yuyuko na lamang ako at ipipikit ang aking mata. Hanggang sa may
pumara at may bumababa sa jeep. Laging gulat ko pagmulat ng aking mata...............................malalaking building ang aking nakita. Maraming tao at napaka-ingay maraming jeep ang mga nakapila at mga taong abala. May lumapit sa akin na isang tao. Kulot ang kanyang buhok at nanghihingi ng konting limos. Ninakaw daw ang kanyang wallet at wala siyang pamasahe pauwi sa kanilang probinsya. Nag-isip ako ng 23 seconds at tinimbang ang aking kalagayan at kanyang kalagayan. Tinuos ko din ang aking dalang pera. May konting sobra naman...mga otso pesos. Inabot ko sa tao. Laking gulat ko ng nag-isip din ang tao. Kinuha naman niya ang pera na aking inabot. Ayun saka nagtatakbo papuntang lugawan. Aba'y nagugutom lang pala si manong kulot. Grabe ang nasabi ko na lamang. PAMBIHIRA. Maya-maya pa ay may dumaan sa aking harapan mga etudyanteng papasok sa kanilang school. Laking tuwa ko ng makita ko ang isang bata na kamuka ang uniform ng aming mga students. Hahahahaahahahahahahahah. Ang dami kong tawa mga 273. Halos maiyak ako sa kakatawa. Talagang tuwang-tuwa ako. Hindi ko alam paano ako nakarating sa Cabanatuan eh sa Gapan nga pala ako nagtatrabaho.

 

 

Madali lang magka-DATE

FEB 14.....ang araw ng mga puso. Araw ng mga taong nagmamahalan. ITO ANG ARAW NA MARAMI ANG APEKTADO at nagpapaAPEKTO. Kahit anong edad na yata ay nakikielam sa tuwing sasapit ang araw ng mga puso. IKAW apektado ka ba??? Dahil kasangkot ako sa araw na darating mangingielam na ako. Maaari ikaw ay apektado dahil sa wala kang ka-date. O kaya naman ay walang magbibigay sa iyo ng flowers, chocolates o teddy bear. Kaibigan wag kang malungkot....may mga paraan na para maibsan ang iyong kalungkutan sa darating na VALENTINE'S DAY. Madali lang. Kasindali ng pag-inom ng tubig, sindali din ng pagpasok sa loob ng pinto at kasindali ng pagpalakpak. Narito ang ilang mga suhestyon....
Una, matulog ka sa darating na araw ng mga puso. Alalahanin mo si SLEEPING BEAUTY natulog lang at nagkaroon ng prince charming. Pangalawa, kapag sumakay ka ng jeep iwanan o ilaglag mo ang iyong sapatos o tsinelas. Si Cinderella naiwan lang ang sapatos hinabol na principe. Pero tip lang kapag iniwan mo ang sapatos o tsinelas mo matapos sumakay ng jeep eh, lagyan mo ng personal details mo para hindi na ipagtanong at isukat sa ibang tao, mabisang paraan ito para mahanap ka agad ng magiging prince charming mo. Pangatlo, magpahaba ka ng buhok, si Rapunzel ganoon lang ang ginawa at nagkaroon ng Prince charming. Pang-apat, magpanggap kang palaka. Makikita mo ang prisipe mo. At panghuli, maghanda sa maaring mangyari. Maaaring magkatotoo o hindi. :-)
O kaya naman ay kumagat ka ng APPLE at maghimatay-himatayan ka......siguradong magkakaron ka ng pitong dwende.