Itong mga nakaraang araw ay nagkaroon ng pagtatalo tungkol sa salitang FOREVER. Hati ang opinyon ng mga kabataang nakausap ko. May nagsabi na para lang daw iyon na kalabaw na may pakpak,....kasi daw WALANG GANUN. Ang sabi naman ng ilan...KAYA NGA NALIKHA ang FORVER KASI MERON NUN. Pinakinggan ko sila sa kanila mga pagtatalo at bigla akong sumingit at umeksena. "Alam niyo depende sa tao kaya niya nasasabi na may forever o wala. Maaring sinabi niya na walang forever dahil sa kanyang naranasan. Maaring nagmahal siya ng todo todo at ibingay ang lahat, umaasa na wala na siyang ibang mamahalin, siya na ang mapapangasawa niya at end ay WALA LANG PALA, parang gumuhit siya sa dalampasigan ng napakaganda at di mapapantayang obra o world class, tapos dumating ang alon at nawala ang lahat. Kaya ang lundo ay naging BITTER at nagdeklara na WALANG FOREVER. Ang mga nagsasabi ng may forever sila naman yung mga tao na may magandang karanasan pagdating sa pag-ibig. Because of their relationship na mabunga at talaga naman nagwowork at nagiging BETTER in the long run. Ma-feel mo ba naman na EVERTHING is PERFECT in your relationship eh, hindi mo ba masabi at mapasigaw ka na may kasamang kilig na may FOREVER at totoo nga."
Sa tingin ko, FOREVER is a CHOICE.....and it is PREDICTABLE.