Thursday, April 30, 2015

Kapag ang problema ay wala na sa iyong control, ang pinaka-dabest na iyong gawin ay maging kalmante at matuto kang manalangin at iwan mo na kay Lord.

Kahit na may problema

Ang problema ay kaakibat ng ating buhay. Habang nasa isang silid aralan ay may isang babae ako na napansin na kanta ng kanta. Hindi kagandahan ang kaniyang boses....talagang hindi maganda angkaniyang boses. Tinanong ko siya kung masakit ba ang kaniyang ngipin at sabay ngiti. Nagulat ako ng kaniyang sinabi na may problema daw siya kaya siya kumakanta. Sabi ko naman natural lang naman na ang tao ay may problema. Hindi...sabi niya madami akong problema. Ok lang yan balik ko sa kanya....kasi ang mga taong walang problema ay nasa mental hospital. Isa pang ikinagulat ng bongga ay ng bigla niyang sabihin na mas gusto ko yun.
Bigla akong natigilan sa aking narinig. Nag-isip ako ng sasabihin ko. Ayaw ko na maghiwalay kami ng araw na yun na wala man lang akong nasabing pampalakas ng loob. Tinanong ko ang kanyang problema. Ayaw niyang sabihin. Malaki daw ang kaniyang problema. Bigla sumagot ang kaniyang kaibigang babae. Boyfriend daw!
MALIIT NA BAGAY ang bigla kong sinabi. Grabe ah, sa isang tao lang para gumuho na ang iyong buhay? Bigla niyang isiningit na gusto na raw niyang magpakamatay. YAN ANG HUWAG MONG GAGAWIN. Ang pagpapakamatay ang pinakatanga ngang gagawin ng isang tao. Masaya ang buhay kahit maraming problema. Magpapakamatay ka, ang gastos kaya. Kung hindi ka natuluyan pag-uusapan ka, mag-iisip ka ng kung anu-ano. Tapos mapapraning ka. Dadalhin ka sa hospital, gagamutin ka. Kapag hindi ka na kayang gamutin dahil ubos na ang pera niyo mamatay ka. Tapos pag patay ka na. bibilhan ka ng ataul.Magpapakain ng isang linggo. Bibili ng kilo-kilong mani, butong pakwan at binusa. May pakendi pa yun. May juice pa. May patatlo, pasiyam at forty days. Bibilhan ka pa ng lote ng paglilibingan sa iyo. Kawawa naman yung maiiwan mo. Naghirap na ang kalooban mo nabaon pa sa utang. Kaya mas masaya pa rin ang buhay kahit na may problema.
Kung boyfriend o girlfriend lang naman eh, mas mabuti na pag-isipan mong mabuti ang mga gagawin. Pweding umiyak ng umiyak hanggang sa maubos ang luha at sakit na iyong dala. Wag kang mahiya. Malay mo sa iyong pagluha ay may mabasa at mag-offer sa iyo ng panyo.
Kung ano man ang problema mo, huwag mong lang unahan ang sitwasyon. Hanapin mo at tingnan mo kung may pagkakataon ka na maayos ang lahat. Wag kang magmamadali. Huwang mong tingnan ang problema, hanapin mo ang solusyon. Bawat problema ay may katapat na solusyon.