Naalala ko noong ako ay nasa high school pa ay pina-assignment sa amin ng teacher ko kung kailan daw dapat mag-asawa ang isang tao. Kailan ba talaga pwede?
Pag-uwi ko sa bahay, ay dali-dali kong tinanong ang aking lola, sabi ko inang kailan ba pwede mag-asawa? Ang sagot naman ng lola ko, eh apo hindi ka pa pwedeng mag-asawa bata ka pa. OO nga po, hindi pa po ako mag-aasawa. Eh assignment ko po yun ang sagot ko sa lola ko. Eh ako kasi apo disi-sais lang nag-asawa na ako. Eh yung tatang mo kasi....Si inang kabata naman nag-asawa. Nasabi ko nalang sa inang ko.
Ang nakakalungkot noon eh hindi pa ako marunong mag-internet kaya hindi ako nakapag-research, Kaya nagtanong tanong na lang ako. Ang lumabas sa aking survey ay iba-ibang edad sila nag-asawa. Sa school tinanong ko yung kaklase ko ang sabi niya ay 25 years old(Nakuha niya sa Computer/internet). Yung isa naman na kaklase ay 27 daw. Yun na alng ang pinasa ko sa teacher ko.
Hanggang sa madaming araw at panahon ang lumipas ay natatandaan ko yun. Ngayon i-click mo lang kay GOOGLE ay magbibigay siya ng mga kasagutan sa tanong na ito. Kahit ilan ang gusto mong sagot ibibigay niya.
Pero hanggang sa nalaman at narinig ko ito. NA WALANG TAMANG EDAD SA PAG-AASAWA O PAGPAPAKASAL. Pero ang tamang edad daw talaga ay NINETEEN....
NINETEENdihan at nauunawaan mo ang papasukin mo.
NINETEENdihan mo na hindi madali ang pagpasok sa buhay may asawa
NINETEENdihan mo din ang mga responsibilidad mo.
Kung di mo pa nineteendihan wag muna.
Ngayon kung nineteendihan mo na GO na.
:-)
Ang mga nakasulat dito ay galing sa isang malikot na imahinasyon at mapaglarong isipan. Nasa sa iyo kung iyong paniniwalaan
Tuesday, March 10, 2015
It's easy to fall in LOVE BUT it's hard to stay in LOVE
Isang pangungusap na aking narinig. Napangiti akong mag-isa ng marinig ko ito. Natatawang nasabi ko sa sarili ko na OO NGA NOH. Ang ma-inlove ay madali nga lang....
Parang pag-upo sa Upuan
Parang pagpasok sa isang pinto
Parang pag-inom ng tubig
Parang paghakbang
Parang pagkaway
at napakadali lang talaga.
Lalo na ang ating mga mata ay madaling maakit sa mga bagay-bagay. Basta maganda at guwapo sa paningin ay OK na. Masabi mong siya na ang MR/MRS. RIGHT mo. Pinakitaan ka lang ng kabutihan, pagmamalasakit at pinaranas sa iyo ang mundo ng fairy tale ay OK na.
Pero ang challenge talaga ay HOW YOU WILL STAY in LOVE. Siyempre ikaw lang ang makakasagot niyan.
Nasa sa iyo naman eh. Pwede nating ihalintulad sa pagsali sa isang karera. Handa ka bang tapusin ang karera. Willing ka bang magtiis ng mga sakit. Handa ka bang maging tanga sa paningin ng iba? Handa ka bang maranasan ang mga di karaniwan mong nararanasan?
Sa isang karera kasi hindi naman pabilisan eh, PATATAGAN ang labanan. Ang tanong hanggang saan at hanggang kailan ang itatag mo. IF YOU WILL CHOOSE TO STAY IN LOVE maging mabusisi ka. Kung baga sa libro wag mo lang tingnan ang COVER but try to open and look sa CONTENT. Kung baga sa bahay na matibay malalim ang pundasyon. Siyempre hindi mo naman kailangan baguhin ang isang tao para mag-stay, minsan ang kailangan mo ay pagtanggap at pag-unawa o maaring ang punto de vista mo ang baguhin.
Kung nais mo talaga ng matagalang relasyon........TRUE LOVE WAITS

Subscribe to:
Posts (Atom)