Tuesday, April 14, 2015

Karugtong ng Tula

Kung damating man ang pagkakataon
Ng minamahal siya ay magkaroon
Bibilang ng mahabang panahon
Bago ang pag-ibig ko sa kanya ay lumaon

Isang gabi isang masyang  tagpo ang nagyari at ako ay napaisip
Hindi ko maintindihan itong aking isip
Ako ba ay sadyang pagod lamang at inip
Dahil tila may mabuting hangin na sa akin ay umihip.

At sa masyang tagpo ikaw at ako ang siyang bida
Sa magkaibang lugar tayo ay parehong abala
At sa altar ako ay naghihintay ng masaya
naghihintay na masilayan ang kariktan mong kayganda.

Sa paghihintay ko sa aking minamahal
Ako’y tila balisa at natatagalan
At di makapghintay na siya ay makitang naglalakad
Sa mga mapulang daanan patungong altar

Isipan ko ay panandaliang namasyal
Maraming lugar ang aking napuntahan
At ako ay napahinto at nagsalita
At binanggit ang ganitong mga kataga

“Walang pintor ang makakapagpinta sa aking nadarama
Walang arkitekto ang makapagguguhit ng aking saya
Walang komedyante ang makakapagbibigay sa akin ng galak na nadarama.
At walang building sa Makati o Manila ang makakapantay sa walang pakunwaring kasiyang natatamasa.”

“Walang accountant ang makakabilang ng aking mga ngiti
Walang chef ang makakahigit ng sarap ng tila tagumpay
At walang anumang bagay ang siyang makapapantay
Sa galak at saya na sa puso ko’y wumawagayway”

Tilaok ng manok, ingay ng mga bagay bagay aking naririnig
Ano ba itong nangyayari, at tila tibok ng puso ko’y kaylungkot ng pintig
At mata ko ay tulala at sa bubong ay napatitig
At nasabi ko na lang aking sarili, “ang lahat pala ay isang panaginip lang”