Naranasan mo na ba ang feeling na ang saya-saya mo kasama ang mga kaibigan mo. Yung tipong todo-todo ang tawanan niyo. Napapahampas ka pa sa mga kaibigan mo sa sobrang galak. Tapos bigla kang matatahimik...kasi biglang may dadalaw sa iyo. Ang pakiramdam na kukulo ang iyong tiyan at tila may gustong kumawala na hangin sa iyong katawan. Biglang mababago ang scenario. Ang kaninang wagas na pagtawa ay mababago. Magkakaroon ng mix emotions, Nandiyan yung gusto mong tumawa ng malakas pero hindi mo magawa at baka makisabay ang hangin na bunga ng iyong mga kinain. Maiiba rin ang iyong posisyon. Nandiyan yung minsan kang tatayo at magsesexy post ka para maipit lang. Minsang uupo ka para mabago at maantala ng kaunti. Hindi mo mapipigilan ng matagal at unti unting bumibigay.
Irritated ka na. Hindi ka mapakali. Nadadamay na lahat ng parts ng katawan mo. Hindi na gumagana ang isipan mo. Humhina na ang pandinig ng iyong tenga. Dumidilim na rin ang iyong paningin. Hindi mo na maingat ang iyong kamay. Nangininig na rin ang tuhod mo.Hindi ka na rin gaanong makapagsalita. Darating ang point na mag-wawalk-out ka na dahil hindi mo na kaya. Hanggang sa iwinagayway mo na ang banderang puti at suko ka na sa nagsusumigaw, naghihimagsik at humihiyaw ng KALAYAAN na utot.
Hahanap ka ng isang lugar ng ikaw lang ang tao. Hahanap ka ng tiyempo, at doon ay unti-unti mong pinapakawalan ang kanina pang ipit-ipit na utot mo.Habang unti-unti silang kumakawala na parang mga preso na ikinulong ng mahabang panahon ay dahan dahan ng gumagaan ang katawan mo. Nagsisimula ng luminaw ang itong isipan, Lumalakas ang iyong pandinig. Natatanaw mo na ang pag-asa na makatawa muli ng wagas. Kapag nakawala at nakalaya na silang lahat ay baka mapakanta ka pa ng "HA.,......LLE.......LUJAH...HALLELUJAH"
Fart is on Fire lang naman kapag nasasaktan na sila. The more na iniipit mo sila na more na iiyak sila. Ikaw kaya maiipit hindi ka ba iiyak? Kapag iniipit mo nagmamataas ang tunog. Kapag hinayaan mo lang, mapagkumbaba ang tunog. Kapag naman hindi mo sila inalalayan magkakatulakan sila at may sumasama. Medyo maselan din ang lahi ng mga utot kapag hindi nila nagustuhan ang pag-aalalay mo ay nagsasabog sila ng amoy na hindi kaaya-kaya sa ilong at kalusugan ng tao, maging sa kalikasan ay nakakaapekto din.
Ito ay isang phenomenon na nangyayari sa isang tao. Nagdudulot ng lungkot, kahihiyan at kung minsan naman ay ginhawa.
Kaya kung maramdaman mong pasugod sila at naghahanap ng independence iwanan mo na sa bahay.
FARTING TIME
:-)