Thursday, October 29, 2015

Sayang...

Sumakay ako ng jeep. May nakasabay ako na isang magandang babae. Habang nag-aabang ang jeep ng mga pasahero nakita ko sa paanan niya na may natatapakan siyang isang maliit na papel na kulay dilaw. Pinagmamasdan ko ng mabuti kung ano ba yung bagay na natatapakan niya. Biglang napatingin sa akin ang babae na kasabay ko. Patay malisya lang ako.  Baka isipan niya ang legs niya ang tinitingnan ko. Maya-maya pa ay may sumakay na pasahero. Apat na kami sa loob ng jeep. Hanggang sa nagsunod-sunod na ang dating ng mga pasahero. Nang mapuno na ang jeep ay umandar na ito. Nauupo ako sa likod ng driver seat katapat ko ang babae na may natatapakan na maliit na papel na kulay dilaw. Nagging tiga-abot ako ng pamasahe. OJT baga…on the jeep training. Nang iaabot ko na ang bayad ng isang pasahero, nahulog ko sa sahig. Pagkapulot ko, natanaw ko na 500 pala ang tapak tapak na papel ng babae. Tiningnan ko ang mga kasakay kong pasahero kung mapapansin  nila. Seryoso halos lahat ng kasakay kong pasahero. May nagrereview, may nagtetext, may naglalaro ng games sa gadgets at ang iba ay natutulog. Paglampas ng isang bayan nabawasan kami ng lima. Natuwa ako kasi konti na lang kami. Pagdating naman sa isang GJC ay anim na lang kami na sakay ng jeep. “Ang galing naman” sabi ko sa sarili ko. Hindi nila napapansin yung 500. Paghinto naman sa NEUST, dalawa na lang kami ng sakay ng babae na may tapak-tapak na 500. Umandar ang jeep na dalawa lang kaming sakay. Nang nasa Malapit na kami, may sumakay na mag-asawa. Pambihira naman! Nadagdagan pa kami. Maya-maya pa may sumakay na naman, mga estudyante. Naku po!!! Hindi ko na tuloy alam kung paano ko dadamputin yung limang-daan piso. Mabuti na lang pagdating sa Bucana bumaba na ang mag-asawa at mga estudyante. Kaming dalawa na lang ulit. Pagliko ng jeep pumara na ang babae. Tiningnan ko muna kung mapapansin ni ate yung natatapakan niya. Laking tuwa ng dire-diretso siyang bumababa sa jeep. Nang dadamputin ko na yung 500……………………………..PAMBIHIRA nagising ako, panaginip lang pala.
:-p