Wednesday, September 27, 2023

Pagsulat ng Adyenda

 

Pagsulat ng Adyenda

 

Ayon kay Sudaprasert (2014), ang Adyenda ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong. Ang pagkakaroon ng maayos at sistematikong adyenda ay isa sa mga susi ng matagumpay na pulong.

 

Napakahalagang maisagawa ito nang maayos at maipabatid sa mga taong kabahagi bago isagawa ang pulong.

 

Narito ang ilang kahalagahan ng pagkakaroon ng adyenda ng pulong

 

1. Ito ay nagsasad ng sumusunod na mga impormasyon:

       a.mga paksang tatalakayin

       b.mga taong tatalakay o magpaliwanag ng mga paksa

       c.oras na itinakda para sa bawat paksa

 

2. Ito rin ang nagtatakda ng balangkas ng pulong tulad ng pagkakasunod-sunod ng mga paksang tatalakayin at kung gaano katagal pag-uusapan ang mga ito.

 

3. Ito ay nagsisilbing talaan o tseklist na lubhang mahalaga upang matiyak na ang lahat ng paksang tatalakayin ay kasama sa talaan.

 

4. Ito ay nagbibigay rin ng pagkakataon sa mga kasapi sa pulong na maging handa sa mga paksang tatalakayin o pagdedesisyunan.

5. Ito ay nakakatulong nang malaki upang manatiling nakapokus sa mga paksang tatalakayin sa pulong.

 

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Adyenda:

 

1. Magpadala ng memo na maaaring nakasulat sa papel o kaya naman ay isang e-mail na nagsasaad na magkakaroon ng pulong tungkol sa isang tiyak na paksa o layunin sa ganitong araw, oras at lugar.

 

2. Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan ito bilang katibayan ng kanilang pagdalo o kung e-mail naman kung kinakailangang magpadala sila ng kanilang tugon.Ipaliwanag din sa memo nasa mga dadalo, mangayaring ipadala o ibigay sa gagawa ng adyenda ang kanilang concerns o paksang tatalakayin at maging ang bilang ng minuto na kanilang kailangan upang pag-usapan ito.

 

3. Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag ang lahat ng mga adyenda o paksa ay napadala na o nalikom na. Higit na maging sistematiko kung ang talaan ng agenda ay nakalatag sa talahanayan o naka-table format kung saan makikita ang adyenda o paksa, taong magpaliwanang at oras kung gaano katagal pag-uusapan. Ang taong naatasang gumawa ng adyenda ay kailangang maging matalino at mapanuri kung ang mga isinumeting agenda ay may kaugnayan sa layunin ng pulong.

 

4. Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong dadalo mga dalawa o isang araw bago ang pulong. Bilang paalala ay muling ilagay rito ang layunin ng pulong at kung kailang at saan ito gaganapin.

 

5. Sundin ang nasabing adyenda sa pagsasagawa ng pulong.

 

Halimbawa ng Agenda

 

Saan:

SAGKAHAN NATIONAL HIGH SCHOOL

MAIN CAMPUS LIBRARY

Kailan:Hulyo 12, 2019

Biyernes ng Ala-Una nang hapon

 

Ang ating Adyenda para sa ating pagpupulong sa araw na ito sa organisasiyon ng Ikalawang pangkat ng pananaliksik:

 

1.     Paghahanda para sa selebrasiyon ng Buwan ng Wika ngayong Agosto

2.     Pag-uusap ukol sa kung ano ang gagawing aktibidad para sa simula ng Buwan ng Wika tulad ng nasaad sa ibaba:

 

 

Lakan at Lakambini ng Wika

Parada ng kasuotang Filipino

Barrio Fiesta

At iba pang suhestiyon

 

3.     Pagsasaayos ng pagkasunod-sunod ng aktibidad ayon sa abiso ng ating tagapaggabay ngorganisasyon

4.     Pagkwenta ng mga kakailanganing materyal sa paggawa ng aktibidad at kung saankukuha ng pera para dito.

5.     Pagtalakay kung saan kukuha ng mga materyales na kakailanganin.

6.     Pagtalaga ng mga kasapi sa pagpupulong ng kanilang mga gawain sa simula ngselebrasyon.

7.     Pagsasaayos ng mga gawain upang mas organisado at pagbibigay alam nito sa mgaestudyante.

8.     Pagtalaga ng araw para sa pagpupulong ng mga pangulo bawat seksyon.

9.     Pagsangguni sa punong guro ng paaralan tungkol sa naging pagpupulong sa nasabingaktibidad.

10.  Pagsasaayos ng gabay at opinyon ng punong guro tungkol sa aktibidad at pagusapan sasusunod na pagpupulong.

 

 

Maraming Salamat sainyong Kooperasyon!

Inihanda ni:Jemima Felipe

 

Lider ng ikalawang pangkat

 

Tuesday, May 10, 2022

LAYUNIN, GAMIT, METODO AT ETIKA NG PANANALIKSIK

Layunin, Gamit, Metodo at Etika ng Pananaliksik

 

 Layunin

 

            Sa bahagİng ito inilalahad ang nais makamit sa pamamagitan ng pananalİksİk. Ito ang tinutukoy na adhikaing nais patunayan, pabulaanan, mahimok, maiparanas, o ipagawa ng pananaliksik. İsinusulat ito bilang  mga pahayag na nagsasaad kung paano masasagot o matutupad ang mga tanong sa pananaliksik.

 

Kapag natapos nang isulat ang buong pananaliksik, alalahaning balikan ang mga layunin at siguruhing natupad o nagawa nga ang mga  İto. Kung hindi nasagot sa kongklusyon ang mga layunin, maaarİng hindi nasunod ang wastong proseso, lumihis sa pokus ng pananaliksik, o naiba ang tunguhİn nito.

 

 Paano bumuo ng layunin?

 

Ang mga layunin ng pananaliksik ay kadalasang nabubuo pagkatapos mailatag ang mga tanong sa pananaliksik. Ibinubuod dito ang mga bagay na nais makamit sa pananaliksik. Sa pagbubuo ng mga layunİn ng pananaliksik, mahalagang isaalang- alang ang sumusunod:

 

 1.  Nakasaad sa paraang ipinaliliwanag o maliwanag na nakalahad kung ano ang dapat gawin at paano ito gagawin.

2.  Makatotohanan o maisasagawa.

3.  Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa at nagsasaad ng mga pahayag na maaaring masukat o patunayan bilang tugon sa mga tanong sa pananaliksik.

 

Ilang mga halimbawa ng mga pandiwang nagpapaliwanag ng proseso:

 

Matukoy, maihambing, mapili, masukat, mailarawan, maipaliwanag, masaliksik, makapagpahayag, maihanay, maiulat/makapag-ulat, masuri/makasuri, nakapag- organisa, makilala, makapaghulo, makabuo, makabuo ng konsepto, mailahad, maibuod, makagawa/makapili, maisa-isa,  magamit/makagamit,  makapagsagawa, at makatalakay.

Metodo

Ilalahad ang uri ng kasangkapan o instrumentong gagamitin upang maisagawa ang pamamaraan ng pananaliksik. Nakabatay sa disenyo at pamamaraan ang instrumento. Halimbawa, kung magsasagawa ng pakikipanayam, kailangan ang gabay sa panayam o talaan ng mga tanong. Kung obserbasyon, kailangan din ang isang talaan o checklist na magsisilbing gabay sa mga dapat bigyang-pansin sa obserbasyon, o kung sarbey naman ay questionnaire o talatanungan. Kailangang Iaging nasa isip ng mananaliksik kung masasagot ng instrumento ang mga suliranin ng pananaliksik.

 

Isinasagawa ang pananaliksik upang tumuklas ng mga bagong kaalaman at impormasyon na magiging kapaki-pakinabang sa mga tao. Isang halimbawa ang bagong lumabas na datos na malaki ang tsansang maging malilimutin ang isang tao batay sa dalas ng kaniyang paggamit ng smartPhone at Internet. Ayon sa pag-aaral ni Dr. Lee Hadlington, may direktang kaugnayan ang pagbababad sa Internet at paggamit ng smartphone sa unti-unting paghina ng isip at memorya ng isang tao.

Gamit ng Pananaliksik

1. Maaaring gamitin ang pananaliksik upang bigyan ng bagong interpretasyon ang lumang impormasyon. Maaaring sa paglipas ng panahon ay magkaroon ng panibagong imbensiyon na may kaugnayan sa dating pananaliksik.

2.Nagagamit ang pananaliksik upang linawin ang isang pinagtatalunang isyu.

3.Nagsasagawa ng karagdagang pananaliksik upang patunayan ang bisa at katotohanan ng isang datos o ideya. Maaaring kompirmahin ng bagong pag-aaral ang isang umiiral na katotohanan.

 

Etika ng Pananaliksik

Narito ang ilan sa mahahalagang prinsipyong iyon:

1.   Pagkilala sa Pinagmulan ng mga Ideya sa Pananaliksik. Gaya ng nabanggit sa unang bahagi ng aralin, ang pananaliksik ay maihahalintulad sa paglahok sa isang pampublikong diyalogo. Ibig sabihin, bukod sa mananaliksik ay maaaring marami nang naunang nag-isip tungkol sa partikular na paksang nais mong unawain at pagyamanin. Mahalaga ang pagbanggit at pagkilala sa iba pang mananaliksik at iskolar na naging tuntungan at pundasyon ng iyong pananaliksik. Sa pamamagitan ng diyalogong ito, nakalilikha ng isang komunidad ng mga mananaliksik na may malasakit at iisang layunin.

2.  Boluntaryong Partisipasyon ng mga Kalahok. Kinakailangang hindi pinilit ang sinomang kalahok o respondente sa pagbibigay ng impormasyon o anomang partisipasyon sa pananaliksik. Bago simulan ang pagsagot sa sarbey, pakikipanayam, o eksperimento, kailangang maging malinaw muna sa mga tagasagot ang kabuuang layunin ng pananaliksik at halaga ng kanilang partisipasyon. Kung eksperimental, mahalagang maunawaan din ng kalahok ang bigat o inaasahang peligro ng eksperimento at kailangang buong-loob ang kaniyang paglahok sa kabila nito.

3. Pagiging Kumpidensiyal at Pagkukubli sa Pagkakakilanlan ng Kalahok. Kailangang ipaunawa sa mga kalahok na ang anomang impormasyon na magmumulapkanila ayga amitin laman sa ka akinabangan ng pananaliksik. Dapat ding pag-isipan ng mananaliksik kung paano ikukubli ang pagkakakilanlan ng tagasagot lalong-lalo na sa mga pananaliksik na may sensítibong paksa. Sa mga pagkakataong kailangang isapubliko ang resulta ng pananaliksik o kaya'y ibahagi sa colloquium o publikasyon, kailangan pa ring ipagpaalam at hingín ang permiso ng mga tagasagot na pangunahing pinagmulan ng datos ng pananaliksik.

4. Pagbabalik at Paggamit sa Resulta ng Pananaliksik. Mahalagang ipaalam sa mga tagasagot ang sistematikong pagsusuri ng mananaliksik sa kinalabasan ng pag- aaral. Madalas na nararamdaman ng mga kalahok, lalo na yaong mga nasa komunidad, na ginagamit lamang sila ng mananaliksik upang kumuha ng datos at pagkatapos ay parang bulang nawawala ang mga ito. Ito ay dahil sa mangilanngilan lamang na mananaliksik ang bumabalik upang ibahagi sa mga kalahokang kinalabasan ng pag-aaral. Kung may awtput tulad ng modelo, pagbuo ng polisiya, o iba pang mahahalagang rekomendasyon ang pananaliksik, makabubuti kung ipaalam ito sa kinauukulan upang makatulong sa kapakinabangan ng komunidad o kaugnay na institusyong pinag-aaralan.

 

Sanggunian

 

A.    AKLAT

Anatacio Heidi.C., Yolanda S. Lungat, at Rita D. Morales. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: C&E Publishing Inc., 2016.

Dayag, Alma M. at Mary Grace G. del Rosario. Pinagyamang Pluma (Kto12) Pagbasa at     Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.,2016

De laza, Crizel S. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: Rex Book Store,2016

Habijan, Erico M. Ang Guro: Ika-4 na Edisyon.Metro Manila: St. Clair Printing Sevices .2017

Habijan, Erico M. Ang Guro: Ika-4 na Edisyon.Metro Manila: St. Clair Printing Sevices .2019

Habijan, Erico M. Ang Guro: Saliksik (Bertud ng mga Edukador). Metro Manila: St. Clair Printing Sevices Vol.5 Issue No.1.2015-2016

Habijan, Erico M. Ang Guro: Saliksik (Bertud ng mga Edukador). Metro Manila: St. Clair Printing Sevices Vol.6 Issue No.1.2016

Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at  Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino: Batayang Aklat.Quezon City: Vibal Group, Inc.,2016

Taylan, Dolores R., Jayson D. Petras at Jonathan V. Geronimo. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino: Unang Edisyon.Quezon City: Rex Book Store,2016

 

B.    SANGGUNIANG ELEKTRONIKO

 

LPU Laguna Journal of Arts and Sciences, “Karanasan ng Isang Batang Ina: Isang Pananaliksik,” Nakuha noong Hunyo 7, 2020, http://lpulaguna.edu.ph/wp- content/uploads/2016/10/KARANASAN-NG-ISANG- BATANG-INA-ISANG-PANANALIKSIK.pdf

Academia.edu, “Epekto ng Paggamit ng Kompyuter sa Akademik Perpormans ng mga Mag-aaral,” Nakuha noong Hunyo 7, 2020,https://www.academia.edu/10986594/EPEKTO_NG_PAGGAMIT_NG_INTERNET_SA_AKADEMIK_PERP ORMANS_NG_MGA_MAG_nn

 


Wednesday, March 9, 2022

 Ang mga Tekstong Impormatibo

         Ang mga tekstong impormatibo ay karaniwang makikita sa mga sangguniang hanguan ng mga impormasyon gaya ng mga aklat, encyclopedia, atlas, at marami pang iba. Layunin ng mga tekstong ito ang maghatid ng mga impormasyon na maaaring magamit ng sinomang nagnanais makabatid ng kinakailangang impormasyon. Ang mga impormasyong ito ay magagamit sa iba’t ibang paraan ng mga mambabasa, kaya naman kinakailangang tinitiyak ng sinomang mambabasa ang katumpakan ng mga impormasyong kanyang pinipili. Sa pagkakataong ito, higit na kinakailangan ng mambabasa ang lubos na pagsusuri sa mga impormasyon. 

    Ang tekstong impormatibo ay nagbibigay ng mga impormasyong nakapagpapalawak ng kaalaman ay nagbibigay liwanag sa mga paksang inilalahad upang mapawi nang lubos ang pagaalinlangan. Ito ay isang uri ng babasahing di piksyon. Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag ng malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng sa mga hayop, isports, agham o siyensya, kasaysayan, gawain, paglalakbay, heograpiya, kalawakan, panahon at iba pa. Ito rin ay kadalasang sumasagot sa mga tanong na ano, sino, at paano tungkol sa isang paksa. Masasabi ring ang tekstong impormatibo ay HINDI nagbibigay ng opinyong pabor o sumasalungat sa posisyon o paksang pinag-uusapan. Samakatuwid, ang kadalasang tono ng tektong impormatibo ay obhetibo (objective). Sa pagsusuri ng mga tekstong impormatibo, kinakailangang isaalang-alang ang mga sumusunod: 1. Pagiging makatotohanan ng mga inilahad na impormasyon. 2. Kalinawan at kawalan ng kamalian ng mga impormasyon 3.Ang mga impormasyon ay nararapat na may pinagbatayan, napatunayan, o resulta ng mga pag aaral. Hangga’t maaari ay kinakailangang napapanahon din ang mga impormasyon.


ELEMENTO NG TEKSTO IMPORMATIBO 

1. LAYUNIN NG MAY-AKDA - Maaring magkakaiba ang layunin ng may-akda sapagsulat niya ng isang tekstong impormatibo. Maaring layunin niyang mapalawak pa ang kaalaman ukol sa sa isang paksa ; maunawaan ang mga pangyayaringmahirap ipaliwanag; matuto ng maraming bagay ukol sa ating mundo; masaliksik;at mailahad ang mga yugto sa buhay ng iba’t ibang uri ng insekto, hayop, at ibapang nabuhuhay; at iba pa. Gayunpaman, anuman ang layunin ay mapapansingkaugnay ito lagi ng pagbibigay o paglalahad ng impormasyon. 

2. PANGUNAHING IDEYA - Di tulad ng tekstong naratibo na hindi agadinihahayag ng manunulat ang mga mangyayari upang mapaabot ang interes ngmambabasa sa kasukdulan ng akda, sa tekstong impormatibo naman ay daglianginilalahad ang mga pangunahing ideya sa mambabasa. • Nagagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi – tinatawag din itong organizational markers nanakatutulong upang agad makita at malaman ng mambabasa ang pangunahingideya ng babasahin. HALIMBAWA: 

3. PANTULONG NA KAISIPAN - Mahalaga rin ang paglalagay ng mga angkopna pantulong na kaisipan o mga detalye upang makatulong na makabuo sa isipanng mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang matanim o maiwan sakanila. ESTILO SA PAGSULAT, KAGAMITAN/SANGGUNIANG MAGTATAMPOKSA MGA BAGAY NA BIBIGYANGDIIN Makatutulong sa mga mag-aaral na magkakaroonng mas malawak na pag-unawa sa binabasang tekstong impormatibo angpaggamit ng mga estilo o kagamitang /sangguniang magbibigay-diin samahalagang bahagi tulad ng sumusunod: 

a.) Paggamit ng mga nakalarawangpresentasyon- makatulong ang paggamit ng mga larawan, guhit dayagram, tsart,talahanayan, timeline, at iba pa upang higit na mapalalim ang pag-unawa ng mgamambabasa. 

b.) Pagbibigay-diin sa mahalagang salita sa teksto- nagagamit dito ang mgaestilong tulad ng pagsulat nang nakadiin, nakahilis, nakasalungguhit, o nalagyan ngpanipi upang higit na madaling makita o mapansin ang mga salitang binibigyang-diin sa babasahin. 

c.) Pagsulat ng mga talasanggunnian- karaniwang inilagay ngmga manunulat ng tekstong impormatibo ang mga aklat, kagamitan, at iba pangsangguniang ginagamit upang higit na mabigyang diin ang katotohanang nagingbasehan sa mga impormasyong taglay nito.


Iba’t ibang Uri ng Tekstong Impormatibo 

Mayroong iba’t ibang uri ang tekstong impormatibo batay sa kung ano ang estrakturang pagkakalahad nito. Ito ay maaring maglahad ng sanhi at bunga, paghahambing,pagbibigay ng depinisyon, at paglilista ng klasipikasyon. 

1. Sanhi at bunga Uri ng tekstong impormatib na naglalahad ng ugnayan ng mga pangyayari.Nagpapakita ito ng direktang relasyon sa pagitan ng bakit nangyari ang pangyayari(sanhi) at kung ano ang naging resulta nito (bunga). Ito ay nagpapaliwanag sa kungpaano nakaapekto ang mga pangyayari sa nakaraan sa mga kaganapan sakasalukuyan at maging sa hinaharap. 

2. Paghahambing Ito naman ay nagpapakita ng pagkakaiba o pagkakatulad sa pagitan ng kahit anongbagay, konsepto, at maging pangyayari. 

3. Pagbibigay ng depinisyon - Sa ganitong uri ng tekstong impormatibo, ipinapaliwanag ng manunulat angkahulugan ng isang salita, terminolohiya, o konsepto. 

4. Paglilista ng Klasipikasyon Sa tekstong ito, ang malawak na paksa ay hinahati sa iba’t ibang kategorya upangmagkaroon ng sistema ang talakayan. Sa uring ito ng teksto, ang manunulat ay naguumpisa sa paglalahad ng kahulugan ng paksa sa pangkalahatan, pagkataposay hahatiin ito batay sa uri o klasipikasyon nito. 

Katangian ng tekstong impormatibo 

1. Pili at tiyak ang mensahe ng mga salita 

2. Tiyak ang impormasyon o mga detalye na nasa lohikal na paghahanay 

3. Madaling maunawaan nang babasa ang mga ginamit na mga pangungusap. 

4. Maayos ang pagkakahanay ng mga salita.

Thursday, August 24, 2017

I'm Humbly Amazed


ANO NGA AT UMABOT SA GANITO
ANG PUSO KO NGAYON AY LITUNG - LITO
ANG ISIPAN KO AY GULUNG - GULO
SA  SITWASYON NA KATULAD NITO.

DATI RATI AY DI NAMAN GANITO
PUSO KO NGA’Y DI NAMAN SERYOSO
AT SA ISIPAN KO AY WALA LANG ITO.
LILIPAS LANG NA PARANG IPOIPO

DI NGA PANSIN ANG KAGANDAHAN MO
MAGING ANG TAGLAY NA KABUTIHAN MO
DAHIL SINO BA NAMAN AKO SA IYO
ISANG SIMPLE AT DI NAMAN KILALANG TAO

AKO AY NABIGHANI AT ITO AY TOTOO
SA MGA KATANGIAN NA NASA IYO
NA KAUNTI NA LANG ANG MAYROON NITO
DAHIL SA PAMANTAYAN NA NAGBAGO

NARITO ANG MGA KATANGIAN MO
NA LUBOS AT LABIS NA HINANGAAN KO
HAYAAN MO AT ISA-ISAHIN KO
SANA AY PANIWALAAN MO

ANG PAGMAMAHAL MO SA DIYOS NA TOTOO
ANG PAGSUNOD AT PAGLILINGKOD MO
SA DEDIKASYON AT PAGIGING TOTOO
AT PAGMAMAHAL  SA MGA MAGULANG MO

SA IYONG PAGIGING SIMPLENG TAO
NA LALONG NAGPAPAGANDA SA IYO
SA MGA NGITI MONG SINTAMIS NG OREO
SIGURADONG IKAW AY MAPAPA YAHOO

ANG IYONG MGA PANININDIGAN
SA TURO NG BANAL NA KASULATAN
AY ISANG HAMON AT KAGALAKAN
PARA MAGPATULOY SA DAANAN

DAANAN TUNGO SA KABUTIHAN
KABUTIHAN NA DAPAT MAPATUNAYAN
MAPATUNAYAN  NA MAY MATUTUHAN
MATUTUHAN SA  MUNDONG ATING GINAGALAWAN.

ANG BUHAY MO AY IYONG LAAN
SA DIYOS NA PUNO NG KABUTIHAN
NA AKIN DIN NAMAN NAPATUNAYAN
SA AKING BUHAY NA MAKASALANAN

HUWAG MONG SANANG KALIMUTAN
ANG SABI NG BANAL NA KASULATAN
DI NIYA HAHAYAAN NA MAG-ISA’Y MARANASAN
DAHIL SA IYO AY MAY MATAPAT NA NAKALAAN

ISANG MAPAGMAHAL SA DIYOS ANG KATAUHAN
NA SA IYO RIN NAMAN, BUHAY AY LAAN
KASAMA MO SA MAKIPOT NA  DAANAN
AT PAGLILINGKOD SA PANGINOON NG WALANG HANGGAN

KUNG IKAW MAN AY MAGPASYA AT IYONG MAISIPAN
NA HUMANAP NG IYONG PAGLALAANAN
NANG IYONG TUNAY AT PURONG  KALOOBAN

AT BUSILAK NA IYONG PAGMAMAHAL
NAIS KONG MAGING ISA SA PAMIMILIAN
HINDI MAN PANG-UNA AT KAHIT NASA HULIHAN
KAHIT HINDI MO MAN MAGUSTUHAN
MAGHIHINTAY NA SA KAHIT ANO PA MAN

MAGIGING MALIGAYA SA KALALABASAN
NG PANTASYA NA GAWA SA AKING ISIPAN
MAGPAPATULOY PA RIN SA LANDAS AT DAAN
AT BUHAY SA DIYOS PA RIN ILALAAN.

SA SIMPLENG TULA NA ITO
NA GINAWA KO PARA SA IYO
AY NAIS KO LAMANG IPARATING NG BUO
NA PINAGPALA AKO SA BUHAY MO

SANA AY TUNAY NA MADAMA MO
ANG PAGHANGA KONG ITO SA IYO
NA KAY TAGAL NA SINIKRETO KO
NA WALANG NAKAALAM KUNDI AKO

SA SOBRANG KATORPEHAN KO
AT SA TAKOT NG KALALABASAN NITO
DI KO NANG NAGAWA NA BANGGITIN PA SA IYO
ANG NILALALMAN NG PUSO KO

HINDI MAN MAGING MAGANDA KALALABASAN NITO
AT WALA MANG HAPPY ENDING NA MALABO
ISA LANG ANG NAIS NA IWANAN KO
“I’M HUMBLY AMAZEDTALAGA SA IYO.