Wednesday, September 27, 2023

Pagsulat ng Adyenda

 

Pagsulat ng Adyenda

 

Ayon kay Sudaprasert (2014), ang Adyenda ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong. Ang pagkakaroon ng maayos at sistematikong adyenda ay isa sa mga susi ng matagumpay na pulong.

 

Napakahalagang maisagawa ito nang maayos at maipabatid sa mga taong kabahagi bago isagawa ang pulong.

 

Narito ang ilang kahalagahan ng pagkakaroon ng adyenda ng pulong

 

1. Ito ay nagsasad ng sumusunod na mga impormasyon:

       a.mga paksang tatalakayin

       b.mga taong tatalakay o magpaliwanag ng mga paksa

       c.oras na itinakda para sa bawat paksa

 

2. Ito rin ang nagtatakda ng balangkas ng pulong tulad ng pagkakasunod-sunod ng mga paksang tatalakayin at kung gaano katagal pag-uusapan ang mga ito.

 

3. Ito ay nagsisilbing talaan o tseklist na lubhang mahalaga upang matiyak na ang lahat ng paksang tatalakayin ay kasama sa talaan.

 

4. Ito ay nagbibigay rin ng pagkakataon sa mga kasapi sa pulong na maging handa sa mga paksang tatalakayin o pagdedesisyunan.

5. Ito ay nakakatulong nang malaki upang manatiling nakapokus sa mga paksang tatalakayin sa pulong.

 

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Adyenda:

 

1. Magpadala ng memo na maaaring nakasulat sa papel o kaya naman ay isang e-mail na nagsasaad na magkakaroon ng pulong tungkol sa isang tiyak na paksa o layunin sa ganitong araw, oras at lugar.

 

2. Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan ito bilang katibayan ng kanilang pagdalo o kung e-mail naman kung kinakailangang magpadala sila ng kanilang tugon.Ipaliwanag din sa memo nasa mga dadalo, mangayaring ipadala o ibigay sa gagawa ng adyenda ang kanilang concerns o paksang tatalakayin at maging ang bilang ng minuto na kanilang kailangan upang pag-usapan ito.

 

3. Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag ang lahat ng mga adyenda o paksa ay napadala na o nalikom na. Higit na maging sistematiko kung ang talaan ng agenda ay nakalatag sa talahanayan o naka-table format kung saan makikita ang adyenda o paksa, taong magpaliwanang at oras kung gaano katagal pag-uusapan. Ang taong naatasang gumawa ng adyenda ay kailangang maging matalino at mapanuri kung ang mga isinumeting agenda ay may kaugnayan sa layunin ng pulong.

 

4. Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong dadalo mga dalawa o isang araw bago ang pulong. Bilang paalala ay muling ilagay rito ang layunin ng pulong at kung kailang at saan ito gaganapin.

 

5. Sundin ang nasabing adyenda sa pagsasagawa ng pulong.

 

Halimbawa ng Agenda

 

Saan:

SAGKAHAN NATIONAL HIGH SCHOOL

MAIN CAMPUS LIBRARY

Kailan:Hulyo 12, 2019

Biyernes ng Ala-Una nang hapon

 

Ang ating Adyenda para sa ating pagpupulong sa araw na ito sa organisasiyon ng Ikalawang pangkat ng pananaliksik:

 

1.     Paghahanda para sa selebrasiyon ng Buwan ng Wika ngayong Agosto

2.     Pag-uusap ukol sa kung ano ang gagawing aktibidad para sa simula ng Buwan ng Wika tulad ng nasaad sa ibaba:

 

 

Lakan at Lakambini ng Wika

Parada ng kasuotang Filipino

Barrio Fiesta

At iba pang suhestiyon

 

3.     Pagsasaayos ng pagkasunod-sunod ng aktibidad ayon sa abiso ng ating tagapaggabay ngorganisasyon

4.     Pagkwenta ng mga kakailanganing materyal sa paggawa ng aktibidad at kung saankukuha ng pera para dito.

5.     Pagtalakay kung saan kukuha ng mga materyales na kakailanganin.

6.     Pagtalaga ng mga kasapi sa pagpupulong ng kanilang mga gawain sa simula ngselebrasyon.

7.     Pagsasaayos ng mga gawain upang mas organisado at pagbibigay alam nito sa mgaestudyante.

8.     Pagtalaga ng araw para sa pagpupulong ng mga pangulo bawat seksyon.

9.     Pagsangguni sa punong guro ng paaralan tungkol sa naging pagpupulong sa nasabingaktibidad.

10.  Pagsasaayos ng gabay at opinyon ng punong guro tungkol sa aktibidad at pagusapan sasusunod na pagpupulong.

 

 

Maraming Salamat sainyong Kooperasyon!

Inihanda ni:Jemima Felipe

 

Lider ng ikalawang pangkat

 

No comments:

Post a Comment