Wednesday, February 11, 2015

Magnanakaw sa JEEP

Ang saya-saya ko kanina. Nakapag-jogging ako. Muntik na akong pagpawisan ng isang timba. Yun nga lang muntik lang. Papasok na ako sa aking trabao. Gaya ng dati sumakay ako sa isang jeep. Sa loob ng jeep ay puro estudyante ang aking nakasakay. Habang umaandar ang jeep ay may biglang pumara at nagdeklara ng hold-up. Natakot ang lahat. Kinabahan pati si Manong driver. Ang sabi ng magnanakaw ay ibigay sa kanya lahat ng meron kame. May isang pasahero na parang hihimatayin. May pasahero na nanalangin. Ang iba ay kabado at taranta kung ano ang gagawin nila. Nakakaba ang aming sitwasyon. May hawak na baril ang Holdaper. Nanginginig ang holdaper at nagsabi na "Bilisan niyong ilabas ang inyong mga pera kundi mapapaputok ako." Nagsalita ang bata at nagsabi ng "Tito di ba tapos na po ang bagong taon bakit po kayo magpapaputok?" OO nga, ang sabi ng mga pasahero. Napaisip si manong sa sinabi ng bata. "Basta, ibigay niyo na lang kung anong meron kayo". May isang sumagot estudyante, "ang meron lang po ako ay mga mabubuting asal na itinuro sa akin ng mga magulang ko at ng aking mga guro at eto po 18 pamasahe ko pag-uwi at pangkain ko". Osige exempted ka ang sabi ng Holdapper. Itinuro niya ang isang estudyante na nag-aaral sa isang malaking university at nagsabi na"Oh ikaw, mukha kang mayaman madami ka sigurong baon ibigay mo na sa akin". "Tama po kayo mayaman po kami, pero hindi naman po ako pansin sa bahay, laging busy ang mommy at daddy ko sa mga trabaho nila ni minsan nga hindi nila na-appreciate ang mga achhievements ko sa school. Kung may ibibigay po ako sa inyo na meron ako ay SAMA PO NG LOOB". Naantig ang damdamin ng magnanakaw. At naiinis na sinabi na "Puro na nga ako sama ng loob idadagdag mo pa yang sa iyo, osige exempted ka din."Tinintingnan kami ng magnanakaw isa-isa na tila kinikilatis kami. Mula ulo hanggan paa ay pinagmasdan kami isa-isa. Hanggang sa matingin siya sa mata ko. Kinabahan ako bigla. Medyo pormal pa man din ang suot kong damit at medyo mabango ako dala ng bago akong ligo at ng pabango. Bigla niyang itinutok ang baril sa akin at sabi niya "Pastor, pasensya ka na at hoholdapin kita". Nagulat ako bigla ng sinabi niya ang mga katagang iyon. Hindi ko alam kung nang-aasar o binubully ako dahil sa aking porma. Ang pera ko sa wallet ay 70 na lang, 30 pesos pangkain at 40 pesos pamasahe. Ang ginawa ko tinanong ko siya kung ano bang problema? Ang sabi ko alam ko na ayaw mong gawin yan ginagawa mo na yan. Napipilitan ka lang. Natigilan ang magnanakaw at tila naghihintay ng mga susunod ko pang sasabihin. Sinamantala ko ang pagkakataon ang nagsabi ng...
Alam mo friend ang nakakalungkot lang sa sitwasyon natin mga simpleng tao, na kapag tayo ay may problema pasan mo lang mag-isa, umiyak man tayo ilan lang ang karamay natin. Ni ang buong mundo nga hindi concern sa problema mo, yun pa kaya ang mga tao na nakaupo at may pinoproblema din. Kaya be wise friend parang you and i against the world lang yan. Kaya mo yan friend wag kang patalo sa problema mo.  Pero wag kang mag-aalala kaibigan wag mo nang gawin yan handa ka naming tulungan wag ka nang mang-holdap, magkakaroon na lang kaming special offering. Ok ba yun mga kasama?
Sumagot naman ang mga kasama ko sa jeep. Ang iba ay napilitan at ang iba naman ay nakahinga ng maluwag. Sa madaling salita ay nagkasundo kami na mag-special offering na lang. Kasabay nito ay nagpatutog si manong driver ng senti na songs. Nang na maipon na namin ang aming bigayan ay inabot namin sa holdaper. Halos maiyak ang holdaper. Humingi ng tawad si Kuya. At nagtawanan ang lahat sa loob.
Nang huminto ang jeep natawa ako sa sarili....posible kayang mangyari yun????Isulat ko nga.

11 comments: