Friday, February 13, 2015

Madali lang magka-DATE

FEB 14.....ang araw ng mga puso. Araw ng mga taong nagmamahalan. ITO ANG ARAW NA MARAMI ANG APEKTADO at nagpapaAPEKTO. Kahit anong edad na yata ay nakikielam sa tuwing sasapit ang araw ng mga puso. IKAW apektado ka ba??? Dahil kasangkot ako sa araw na darating mangingielam na ako. Maaari ikaw ay apektado dahil sa wala kang ka-date. O kaya naman ay walang magbibigay sa iyo ng flowers, chocolates o teddy bear. Kaibigan wag kang malungkot....may mga paraan na para maibsan ang iyong kalungkutan sa darating na VALENTINE'S DAY. Madali lang. Kasindali ng pag-inom ng tubig, sindali din ng pagpasok sa loob ng pinto at kasindali ng pagpalakpak. Narito ang ilang mga suhestyon....
Una, matulog ka sa darating na araw ng mga puso. Alalahanin mo si SLEEPING BEAUTY natulog lang at nagkaroon ng prince charming. Pangalawa, kapag sumakay ka ng jeep iwanan o ilaglag mo ang iyong sapatos o tsinelas. Si Cinderella naiwan lang ang sapatos hinabol na principe. Pero tip lang kapag iniwan mo ang sapatos o tsinelas mo matapos sumakay ng jeep eh, lagyan mo ng personal details mo para hindi na ipagtanong at isukat sa ibang tao, mabisang paraan ito para mahanap ka agad ng magiging prince charming mo. Pangatlo, magpahaba ka ng buhok, si Rapunzel ganoon lang ang ginawa at nagkaroon ng Prince charming. Pang-apat, magpanggap kang palaka. Makikita mo ang prisipe mo. At panghuli, maghanda sa maaring mangyari. Maaaring magkatotoo o hindi. :-)
O kaya naman ay kumagat ka ng APPLE at maghimatay-himatayan ka......siguradong magkakaron ka ng pitong dwende.

15 comments: