Friday, February 13, 2015

Wag Kang Pipikit

Araw ng Lunes maaga akong gumising. Gumayak ako ng mabilis papasok sa aking trabaho. Sa jeep ako ay sumakay at laking gulat ko wala pang pasahero kundi ako. Naghintay pa ng kaunti si manong driver at ang sabi niya ay 15 minutes lang. Habang naghihintay na umandar ang jeep ay nagbasa muna ako ng isang libro. Hanggang sa di ko na napansin na bumabiyahe na kami. Pahinto-hinto ang jeep sa bawat kanto at naghihintay ng pasahero. Nang huminto sa isang baranggay ay isang magandang babae ang sumakay. Siyempre patay malisya ako. Wala siyang epekto sa akin. Ni hindi ko ng pinansin eh.At biglang may bumulong bakit hindi mo pinansin? Nasabi ko na lang na"hindi naman din niya ako pinapansin eh, patas lang". Halos magkatapat kami sa upuan. ang nang inangat ko ang aking ulo ay dun ko lang napansin ang kanyang damit. Tila ito ay isang mapang-akit na damit. Hindi naman sa malaswa ang kanyang kasuotan kundi bagay lamang sa kanyang katawan na masasabi kong sexy. Dumaan sa isang University ang jeep na sakay ko at biglang naubos ang mga pasahero. Dalawa lang kami na natira sa loob ng jeep. Tuloy lang ang buhay kahit anong mangyare. Ay!Este tuloy lang pala ang biyahe. Sa bawat pagsagi ng aking paningin sa magandang pasehero ay lalong naakit ang aking mata na siya ay muli't muling tingnan. Sa ilang sandali ay biglang nagkaroon ng hiya aking isipan. Hiya na kung saan ay baka ano ang isipin niya. Kaya ang sinabi ko ay yuyuko na lamang ako at ipipikit ang aking mata. Hanggang sa may
pumara at may bumababa sa jeep. Laging gulat ko pagmulat ng aking mata...............................malalaking building ang aking nakita. Maraming tao at napaka-ingay maraming jeep ang mga nakapila at mga taong abala. May lumapit sa akin na isang tao. Kulot ang kanyang buhok at nanghihingi ng konting limos. Ninakaw daw ang kanyang wallet at wala siyang pamasahe pauwi sa kanilang probinsya. Nag-isip ako ng 23 seconds at tinimbang ang aking kalagayan at kanyang kalagayan. Tinuos ko din ang aking dalang pera. May konting sobra naman...mga otso pesos. Inabot ko sa tao. Laking gulat ko ng nag-isip din ang tao. Kinuha naman niya ang pera na aking inabot. Ayun saka nagtatakbo papuntang lugawan. Aba'y nagugutom lang pala si manong kulot. Grabe ang nasabi ko na lamang. PAMBIHIRA. Maya-maya pa ay may dumaan sa aking harapan mga etudyanteng papasok sa kanilang school. Laking tuwa ko ng makita ko ang isang bata na kamuka ang uniform ng aming mga students. Hahahahaahahahahahahahah. Ang dami kong tawa mga 273. Halos maiyak ako sa kakatawa. Talagang tuwang-tuwa ako. Hindi ko alam paano ako nakarating sa Cabanatuan eh sa Gapan nga pala ako nagtatrabaho.

 

 

22 comments:

  1. Hahah.
    Nagagawa ng tulala. Hahah
    Isip pa more.
    Yung totoo po nakatulog kayo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bunga lang ng malikot na imahinasyon sa loob ng jeep

      Delete
  2. Tingin kasi ng tingin sa mapang-akit na damit, lumagpas tuloy. :D

    ReplyDelete
  3. ang mga mata nga naman ng tao sadyang malikot hahahahaha

    ReplyDelete
  4. ang mga mata nga naman ng tao sadyang malikot hahahahaha

    ReplyDelete
  5. haha :)
    Bunga ng pag-iwas..
    Pati destinasyong tinatahak ay lumalagpas :-)

    ReplyDelete
  6. haha :)
    Bunga ng pag-iwas..
    Pati destinasyong tinatahak ay lumalagpas :-)

    ReplyDelete
  7. hahah,, nice buti hnd ka naligaw sa dapat mong puntahan =)

    ReplyDelete
  8. hahah,, nice buti hnd ka naligaw sa dapat mong puntahan =)

    ReplyDelete
  9. hahaha lumagpas tuloy sa bababaan ng dahil sa magandang damit at sexy hahahaha:)

    ReplyDelete
  10. hahaha lumagpas tuloy sa bababaan ng dahil sa magandang damit at sexy hahahaha:)

    ReplyDelete
  11. I like it. nakakatuwa lalo na sa dulo...ahehe!

    ReplyDelete
  12. MORAL LESSON: tingin2x din sa dinadaanan hahaha :D

    ReplyDelete
  13. pasulyap-sulyap pa kunwari,ang mga lalaki talaga ligaw tingin

    ReplyDelete
  14. Personal loan:

    Hello Madam or Mr.
    I am an international lender recognized across the continent.
    I have the ambition to help all people in financial difficulties.
    Please contact me by e-mail for more information.
    E-mail: leferfrancisjean@gmail.com
    Kind regards.



    Personal na pautang:

    Hello ginang o Mr.
    Ako ay isang internasyonal na tagapagpahiram na kinikilala sa buong kontinente.
    Mayroon akong ambisyon na matulungan ang lahat ng mga taong nagigipit.
    Mangyaring makipag-ugnay sa akin sa pamamagitan ng e-mail para sa karagdagang impormasyon.
    E-mail: leferfrancisjean@gmail.com
    Mabait na bumabati.

    ReplyDelete