Wednesday, September 16, 2015

tula ba ito

Sa isang bayan na kung saan ay may kilalang festival
Marami ang mga pangyayaring nakagigimbal
Sa mata ng mga nakakaalam ito'y karumaldumal
At maraming problema itong kakambal

Ngunit marami ang nagbubulag-bulagan
Sa mga ganitong pangyayari at kaganapan
Na sa karamihan dulot nito ay kahirapan
At ang mga nakikinabang ay iilan lamang

Ang mga nasa kapangyarihan
Kung minsan sila pa ang gahaman
Sa mga ipon at yaman ng bayan
Na kanilang pinapipyestahan

Ang ilang nasa posisyon naman
Mataas o mababa man
Sanay na sanay sa kalokohan
Kapwa nila’y laging iniisahan

Katulad na lamang sa ilang nasa lansangan
Nasa uniporme nila ay kagalang-galang
Kung manghuli daw ay walang kinikilingan
Ngunit sa sweldo ay nakukulangan

Kaya kotongan ay hindi maiwasan
Ilang mga tsuper ay napagdidiskitahan
Konting kita nila ay nakukupitan
Walang magawa kundi mag-abutan

Dito sa isang maunlad na bayan
Talamak ang korapsyon sa may lansangan
Mga enforcer ay nagtitinginan
Sa isang sistema ay nagkasunduan

May berde puti at dilaw na plaka
Ngunit dilaw lang dapat na kilala
Sa pagsakay at pagbaba ng pasahero
Berde at puti ay pwede rin magmaneho

Magneho katulad ng jeep na pampasahero
Kaya marami tuloy ang nalilito
Bakit hindi malutas ang sistemang magulo
Kaya parami ng parami ang luku-luko

Hindi naman sila mga sira-ulo
Kung umasta ay daig pa ang mga loko
Napagkakamalan tuloy na walang ulo
Dahil kung manghuli kahit kelan nila gusto

Isipan ko’y litong-lito
Bakit ang nangyayari ay ganito
Mata ng kapangyarihan ay nagkabato
At di Makita ng mga lumalabag nito

Oh Panginoon at Diyos ko!
Ikaw na po ang bahala sa mga ito
Dahil di naman maririning munting tinig ko
Sa mga hinaing na mabago pa ito.

4 comments:

  1. bilang isang estudyante lumawak na ang aking isipan sa mga bagay bagay na nangyayari sa ating lipunan. bakit? dahil unti unti kong napapapagtanto sa aking isipan na kahit mayaman pala ay walang kakuntentuhan sa buhay.Paano pa kaya ang mahirap lamang.

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. Ang mga buwaya pala hindi lang sa putik o sa tubig makikita kase nagkalat narin sila sa kalsada XD

    ReplyDelete
  4. nakakatuwa naman itong buwaya na ito dahil kumaldumal dumal sa kalsada
    itong buwaya na ito hehehehehe nakakatawa #tula ba ito

    ReplyDelete