Tuesday, February 2, 2016

Para sa iyo Kaibigan...


Sadyang napakagulo ng salitang pag-ibig… ito nga ba ay isang emosyon lang o isang gawain.
Sa panahon ngayon, maraming mga kabataan ang pumapasok sa isang relasyon na hindi  talaga lubos na nauunawaan ang salitang pag-ibig. Kahit sa tahanan pa lang ay busog na tayo sa pangaral na, hindi pa pwede, wag ka muna anak mag-boyfriend o mag-girlfriend, pagbutihin mo muna ang pag-aaral. Sa paaralan ito rin ay napapaalala sa mga kabataang mag-aaral. Sa simbahan ito rin ay itinuturo, ipinauunawa na walang dakilang pag-ibig kundi ang pag-ibig sa Diyos at sa mga magulang at maging sa kapwa.
Ano man ang iyong dahilan ay hindi kita maaaring husgahan. Iyan ay isang desisyon na pinili mo. Maaring pinag-isipan mo o nabigla ka lamang. Na sana ay hindi naman. Bilang isang nagmamalasakit sa kapwa ko kabataan at mga kaibigan, ang aking isipan ay kusang nag-usal. Maging ang aking puso ay nakisang-ayon na ako  ay sumulat. Kaya dali-dali kong kinuha ang aking laptop at nagsimula na pumindot sa mga letra nito. Eh love month naman eh.
Sa aking mga kaibigan,  ang paalala ko lang ay huwag kayong magmadali sa bagay na ito. Ito ay isang bagay na dapat ay dumadaan sa proseso at patunayan na panahon.  Enjoy mo lang muna ang pagiging isang single. Alam na alam mo naman ang katagang “SA TAMANG PANAHON”. Ituon mo muna ang pagmamahal mo sa Diyos na siyang lumikha sa iyo. Ang Diyos na nagbibigay lahat ng pangangailangan mo kahit kung minsan (madalas pa nga minsan) ay hindi mo ito hinihingi sa kaniya. Itali mo sa isipan mo ang iyong mga magulang na nagpapakasakit at nagpapakahirap para lamang maitaguyod ka niya. Isipin mo kung nakabawi ka na ba sa kanila.  I-consider mo din ang mga tapat mong kaibigan na nakapaligid sa iyo at kasama mo. Silang mga nagsasabi ng katotohanan.
Hindi naman sa kita ay binabawalan. Sino ba naman ako? Hindi mo naman ako magulang o hindi mo rin ako bestfriend o maaaring wala din akong kinalaman sa buhay mo. Ang sa akin lang, ay isang paalala. Paalala upang hindi mo malimutan. Kung minsan kasi ay nabubulagan ka ng tinatawag mong pag-ibig. Maging ang tenga mo ay barado ng pantasya na gawa gawa mo.
TANDAAN MO...HINDI LAHAT NG BAGAY AY MINAMADALI.

Pagdating sa pag-ibig, para itong pag-unawa sa libro ni Dr. Jose Rizal na Noli Me Tangere. Kung bakit upo ang inilagay niya sa Tinola.






6 comments:

  1. sobra kong naapreciate yung blog nato ,siguro nga sa aming mga kabataan ngayon napakadai lang ang mag bf/gf kung maganda at gwapo ka. madali lang para sa amin ang makahanap. pero hindi pa talaga namin nauunawaan ang tunay na kahulugan ng pagmamahal. ngayon ko naunawaan na oo nga pala may Diyos at may pamilya na nagmamahal sa atin, at lahat naman nga naman ng bagay ay nasa "TAMANG PANAHON"

    ReplyDelete
  2. its right. kasi nga hindi ka naman ma uubusan ng mamahalin sa dame ng lalake at babae sa mundo posibleng ni isa eh walang nakalaan para sayo.pagtuunan muna ng pansin ang pag aaral pag nakatapos at may maganda ng trabaho.yun na siguro ang tamang panahon.first priority pala ang parents pag ok na sila.dun palang pwedeng bumuo ng sariling pamilya

    ReplyDelete
  3. wag magmadali dahil may right timepara sa pagibig...

    ReplyDelete
  4. Salamat sayo kaibigan na laging nariyan upang paalalahanan mga isipang naguguluhan. i pray na gamitin ni Lord ang iyong talento sa paglikha sa mas marami pang mabubuting bagay para sa iyong kapwa :) GOD BLESS TNX PO SA MESSAGE :)

    ReplyDelete