Ang buhay natin ay parang isang waiting shed. May mga
tatambay na ibat-ibang tao. Ibat-iba ang pinagmulan, ibat-ibang ugali at
karanasan. Sa buhay natin ay may mga tao na darating. Lahat ng tao na darating
sa buhay natin ay may dahilan. Mga tao na maaring masaktan ka, lokohin ka,
tulungan ka, mahalin ka, alagaan at mahalin ka. Ako ay naniniwalang lubos na
lahat sila ay may kaakibat na tulong o impact sa buhay natin. Kung sinaktan ka
man niya, atleast ready ka na sa mga sakit na darating pa sa iyo. Wag kang
matakot na iwanan niya,siguradong may ipapalit na iba si Lord na much better na
makakatulong sa iyo. Kung lokohin ka man niya, atleast hindi ikaw ang nanloko.
Hindi rin naman dahilan at license yun para manloko ka din ng kapwa mo. Wala
kayong pinagkaiba kung ganun. Hayaan mo mas matindi ang balik sa kanya. May mga
tao na magiging kakampi, kasangga at mag-aalaga sa iyo, ibalik mo sa kanila ng
doble ang ginagawa nila. Siguradong magiging matatag at mabiyaya ang inyong
pagsasama.
Ang bawat pagdating ng tao sa ating buhay ay may pakinabang
kahit na ikaw ay saktan at iwanan. Ang mahalaga ay alam mo ang bagay na iyon.
May darating sa iyong buhay na maaring bulabugin niya ang
pananahimik ng iyong pusong natutulog o puso na binalot ng sakit ng kahapon.
Maaring ang tao na ito ay unti-unti niyang kuhanin ang iyong atensyon. Maari din naman na siya
ang babaklas ng sakit, sama ng loob, kahirapan ng kalooban, kabigatan,
pagdadalamhati at kalyo na kasingtigas na ng bato na bumabalot iyong puso. Kung
dumating man sa buhay mo ang tao na ito ay mag-ingat ka pa rin, sa panahon
natin ngayon ay maraming kumakalat na
fake at manggagaya. Pero wag kang matakot na sumubok at subukan siya. Para
malaman mo lang. Hindi naman masamang sumubok. Atleast you try...
Ang problema lang naman kung minsan ay nakakalimutan natin
humingi ng gabay kay Lord eh.
:D
ReplyDeletetamah!!! dahil meron talaga taong na para sayo
ReplyDeletemaninidigan at magamamahal ng buong puso
kaya intay lang at hilingin kay god na dumating na sya sa buhay mo
sa buhay natin ay my darating at my dumadating
ReplyDeleteWala naman mawawala kung susubukan
ReplyDelete