Tuesday, February 2, 2016

Bisita

Payapa pa noon at walang gaanong problema. Walang iniisip at walang gaanong stress. Ang araw ay lumilipas na maaliwalas. Ngunit isang araw sa akin ikaw ay dumalaw. Hindi ko akalain na ikaw ay  magtatagal. Nakakatuwa ang kanyang pagdating at pagdalaw.  Ang saya ng aming kwentuhan at samahan. Walang araw na hindi niya ako dinalaw. Bawat minuto ay hindi siya nawawala sa aking isipan. Kung minsan gusto ko siyang surpresahin ngunit ako lagi ang nasosorpresa.  Kung minsan apektado pati aking mga ginagawa. Dahil lamang sa kanyang pagbisita.
Naalala ko pa noong unang beses niya akong dinalaw. Ayaw ko sana siyang patuluyin. Hanggang sa hindi ko namalayan na unti-unti kong ibinukas ang pinto at siya ay aking pinapasok. Ang saya pala ng ganoong pakiramdam na bisitahin ka... Ang hirap lang kapag dumating sa punto na hindi mo control ang sarili mo na gusto mo ikaw ang masunod. Ang nakakalungkot lang may mga oras na hindi ka niya mapapansin. At talagang hindi papansinin. Yung tipong ikaw na ang magpapansin pero wala talaga. Kahit anong effort mo ay walang kwenta. Kahit na alam mong bumisita lang naman siya. Ang hirap at masakit pala iyon. Lalo na kapag alam mo naman na hanggang doon lang naman siya sa salitang bisita. 
Hanggang dumating ang isang araw, nagkusa at pinilit kong pinagtabuyan ang aking bisita. Hindi siya nagsasalita, ni isang salita wala akong narinig sa kaniya. Ngunit hindi siya basta umalis. Nananatili lang siya sa kaniyang kinalalagyan. Ang hirap pala. Nagdesisyon ako. “ako na lang ang aalis” sabi ko sa aking sarili.
Kahit masakit ay pinilit kong nilisan ang lugar na kng saan siya ay buisita sa akin. Kalimutan ang kaniyang pagbisita. Ibinaling ko na lang lahat ng aking atensyon at oras sa mga bagay na kapakipakinabang. Tagumpay!!! Isinara ko ang aking pintuan. Nilagyan ng kandado at password. May nakakalapit ngunit walang nakakapasok
Kahit na ito ay mahirap kailangan panindigan at tayuan.
Hanggang sa aking napagtanto.... ang naging problema lang siguro nag-entertain ako kahit alam ko hindi siya ma-eentertain.
Siguro, sa susunod na bibisita siya hahayaan ko lang siya. Tumambay siya hanggat gusto niya. Kapag ready na akong mag-entertain saka ko na siya papansinin. Kapag siya na mismo o pagkasabay kami ng pansin.


Ang hirap pala kapag pag-ibig ang iyong bisita. J

8 comments:

  1. UHMM, mejo awtsu ata un.. sir!! relate ako ng mejo light! mejo light lng ahh?? :D

    ReplyDelete
  2. yan ang kakaibang pakiramdam.mahirap ipaliwanag.at mabubulabog nalang ng isang tao ang iyong tahimik na puso.go with the flow.hayaan lang ang iyong damdamin upang ang iyong bisita ay maging parte na ng iyong pamilya

    ReplyDelete
  3. yan ang pinakamahalagang ang pagkakaroon ng bisita dahil sa ito ang pinakamahalaga parte ng buhay ng tao kung wala ka bisita sa buhay mo
    ibig sabihin ay walang kwenta ang buhay dahil ito ang pinaka mahalaga
    pagkakaroon ng bisita natutuwa ako sa aking nabasa dahil sakto lang
    ang pagkakagawa ng salaysay ng kwento #bisita

    ReplyDelete
  4. mahirap nga yun ..mahirap pigilan..

    ReplyDelete
  5. mahirap nga yun ..mahirap pigilan..

    ReplyDelete
  6. mahirap nga yan..mahirap labanan

    ReplyDelete
  7. awts Past time Lang ganern??. Abilang :D

    ReplyDelete
  8. ~ Wala talagang forever no?
    Sabi na e HAHAHA

    ReplyDelete