Payapa pa
noon at walang gaanong problema. Walang iniisip at walang gaanong stress. Ang
araw ay lumilipas na maaliwalas. Ngunit isang araw sa akin ikaw ay dumalaw. Hindi
ko akalain na ikaw ay magtatagal.
Nakakatuwa ang kanyang pagdating at pagdalaw.
Ang saya ng aming kwentuhan at samahan. Walang araw na hindi niya ako
dinalaw. Bawat minuto ay hindi siya nawawala sa aking isipan. Kung minsan gusto
ko siyang surpresahin ngunit ako lagi ang nasosorpresa. Kung minsan apektado pati aking mga ginagawa.
Dahil lamang sa kanyang pagbisita.
Naalala
ko pa noong unang beses niya akong dinalaw. Ayaw ko sana siyang patuluyin.
Hanggang sa hindi ko namalayan na unti-unti kong ibinukas ang pinto at siya ay aking
pinapasok. Ang saya pala ng ganoong pakiramdam na bisitahin ka... Ang hirap lang
kapag dumating sa punto na hindi mo control ang sarili mo na gusto mo ikaw ang
masunod. Ang nakakalungkot lang may mga oras na hindi ka niya mapapansin. At
talagang hindi papansinin. Yung tipong ikaw na ang magpapansin pero wala
talaga. Kahit anong effort mo ay walang kwenta. Kahit na alam mong bumisita
lang naman siya. Ang hirap at masakit pala iyon. Lalo na kapag alam mo naman na hanggang doon lang naman siya sa salitang bisita.
Hanggang
dumating ang isang araw, nagkusa at pinilit kong pinagtabuyan ang aking bisita.
Hindi siya nagsasalita, ni isang salita wala akong narinig sa kaniya. Ngunit
hindi siya basta umalis. Nananatili lang siya sa kaniyang kinalalagyan. Ang
hirap pala. Nagdesisyon ako. “ako na lang ang aalis” sabi ko sa aking sarili.
Kahit
masakit ay pinilit kong nilisan ang lugar na kng saan siya ay buisita sa akin.
Kalimutan ang kaniyang pagbisita. Ibinaling ko na lang lahat ng aking atensyon
at oras sa mga bagay na kapakipakinabang. Tagumpay!!! Isinara ko ang aking
pintuan. Nilagyan ng kandado at password. May nakakalapit ngunit walang
nakakapasok
Kahit na
ito ay mahirap kailangan panindigan at tayuan.
Hanggang
sa aking napagtanto.... ang naging problema lang siguro nag-entertain ako kahit
alam ko hindi siya ma-eentertain.
Siguro,
sa susunod na bibisita siya hahayaan ko lang siya. Tumambay siya hanggat gusto
niya. Kapag ready na akong mag-entertain saka ko na siya papansinin. Kapag siya
na mismo o pagkasabay kami ng pansin.
Ang hirap
pala kapag pag-ibig ang iyong bisita. J
UHMM, mejo awtsu ata un.. sir!! relate ako ng mejo light! mejo light lng ahh?? :D
ReplyDeleteyan ang kakaibang pakiramdam.mahirap ipaliwanag.at mabubulabog nalang ng isang tao ang iyong tahimik na puso.go with the flow.hayaan lang ang iyong damdamin upang ang iyong bisita ay maging parte na ng iyong pamilya
ReplyDeleteyan ang pinakamahalagang ang pagkakaroon ng bisita dahil sa ito ang pinakamahalaga parte ng buhay ng tao kung wala ka bisita sa buhay mo
ReplyDeleteibig sabihin ay walang kwenta ang buhay dahil ito ang pinaka mahalaga
pagkakaroon ng bisita natutuwa ako sa aking nabasa dahil sakto lang
ang pagkakagawa ng salaysay ng kwento #bisita
mahirap nga yun ..mahirap pigilan..
ReplyDeletemahirap nga yun ..mahirap pigilan..
ReplyDeletemahirap nga yan..mahirap labanan
ReplyDeleteawts Past time Lang ganern??. Abilang :D
ReplyDelete~ Wala talagang forever no?
ReplyDeleteSabi na e HAHAHA