Thursday, February 18, 2016

Laban lang!

Sa aking mga kapatid na estudyante at kaibigan
Kayo sana huwag panghinaan
Lahat naman ay may katapusan
Lagi  lang ilagay sa isipan
Na ang lahat ng bagay ay may dahilan
At ito ay para sa inyong kapakanan
Think positive lang ang kailangan
At pagsuko ay hindi kasagutan
Sa Diyos lang kayo manangan
Siya ang lagi niyong tawagan
Sa lahat ng sitwasyon at kalagayan
Siguradong kayo ay di niya iiwan
Mas lalong hindi pababayaan
Huwag niyo din naman kalimutan
Kapag kayo ay wala na talagang malapitan
Ang inyong kuyser ay nandito din naman
Lagi kayong tutulungan at papaalalahanan
Sa inyong mga kahinaan at nalilimutan
Lahat naman ng bagay ay na-sosolusyunan
Huwag lang mahiya at baka kayo'y dagukan.
Anumang hadlang ang nasa daanan
Laban lang kung laban,


2 comments:

  1. tama naman.hindi naman tayo perpekto.may kalayaan tayong magtanong at humingi at opinyon una na sa lahat ang ating magulang at pangalawa ay ang ating kuyser at tehmam.wala namang bayad at pagtatanong kaya ok lang un.saka isipin nalang naten na lahat nang mga mayaman at umangat sa buhay at dalawa lang ang gamit na paraan una ay ang pag t tiyaga pagsisikap at isa pa ang sakripisyo.at panalangin sa may kapal.pag mamahal sa magulang.kapag wala ka ng mga katangian na mga ganyan.malabo mong mararating ang iyong pinapangarap sa buhay.

    ReplyDelete
  2. huwag susuko para sa ating pangarap..

    ReplyDelete