Tuesday, February 2, 2016

VirginiTEA vs. Virginity

Mayroon pa nga ba na CONCERN at nag-iingat sa salitang ito. Alam mo ba pa ba ang kahulugan nito? O ikaw ay binago na rin ng mapaglarong sistema at pagpapalit ng kultura. May nag-iingat pa nga ba? May nagpapahalaga pa kaya? O sadyang niyakap mo na ang kasinungalingan na iyong narinig at nalaman sa lipunan.

Sa lipunan na ating kinalalagyan ngayon, iba na ang takbo at kalakaran na umiiral dito. Ang mga pamana ng lahi na pag-ingatan ito ay binabalewala mo na lang. Kaya nililimot mo na rin kahit habilin ng Diyos. Na ito ay pahalagahan at wag basta ibibigay sa kung kanino na lang na PAKIRAMDAM mo ay mahal mo. Maaring dahil sa isipan mo ay marami na ang gumagawa nito. Kaya pati ikaw ay nahahatak at naakit na sundin ito. Mag-isip ka...hindi ngunit marami ang gumagawa ay tama na sila. 
Hayaan mo na bigyan ka ng kahulugan ng malikot na imahinasyon na ito.

VIrginiTEA – ito ang makabagong baybay sa salitang sagrado na kinalimutan na ng lahat.
Inihalintulad sa isang sikat na patalastas na dapat ay share..share. Hindi ito parang nestea na kahit kanino ay i-shinare mo. Hindi ka rin isang sauce ng pisbol na kahit sino pwedeng sumawsaw sa iyo. Hindi ka rin isang public cellphone na kahit sino naki-insert sa iyo. Kung minsan ang mahalagang bagay na ito ay isang sigarilyo lang ang kapalit. Pwede na rin ang isang bote ng alak. Nangyayari din napagkasunduan lang na gawin kahit walang kapalit kundi pita lang ng laman.

Virginity- ito ay isang sagrado, hindi man sa paningin ng tao pero sa paningin ng Diyos. Minsan lang ito ibinibigay. Kapag ang boyfriend mo ay ito na ang hiningi na wala sa panahon, kahit masakit sa damdamin...hiwalayan mo. Ito ay para din sa iyong sarili, pamilya sa future husband and children mo. Ibibigay mo lang ito sa taong sasabihan mo ng “I DO” sa harap ng altar. Ito rin ang pinaka DA BEST na regalo mo sa magiging asawa mo. At ito ay tunay nakalugud-lugod sa Dakilang Lumikha.
Kapag ang mahalagang bagay na ito ay nawala na, abay mahirap ng ibalik...ay Hindi mo na pala talaga maibabalik. Ikaw ay magiging isang napakalaking LEFT OVER sa isang kainan. Ika nga ng mga nasa kalye...PAGPAG. Sabi naman ng iba TIRA-TIRA.


Kung may isip ka mag-isip ka. Kung wala eh tuloy lang... 

13 comments:

  1. tama naman.isa yang bahagi ng iyong pagkatao.na dapat mong ingatan at dapat mo lang ibigay sa iyong makakasama sa habang buhay

    ReplyDelete
  2. so true ! Nananapak Ang Realidad.

    ReplyDelete
  3. thats true..because many girls give their virginity to the boy that are not have blessings the lord

    ReplyDelete
  4. True. Kailangan talagang iniingatan ang VIRGINITY

    ReplyDelete
  5. True. Kailangan talagang iniingatan ang VIRGINITY

    ReplyDelete
  6. tama naman lahat..pero kung may paninindigan ka sa isang babae pananagutan mo sya kung nakuwa mo man ang virginity nya

    ReplyDelete
  7. needs your true love
    God
    yourself
    family and friends
    future mate
    future children
    paghindi pa talaga dapat iwan mo na kung sasaktan at hihingin yung bagay na di mo kaya ibigay

    ReplyDelete
  8. simple lang naman eh! ang tunay na pagmamahal nagbibigay ng respect sa isa't isa. At kasali si dapat si Lord kung totoong love yun,kalove triangle dapat Sya(si Lord).

    ReplyDelete
  9. "Hindi ito parang nestea na kahit kanino ay i-shinare mo. Hindi ka rin isang sauce ng pisbol na kahit sino pwedeng sumawsaw sa iyo. Hindi ka rin isang public cellphone na kahit sino naki-insert sa iyo" HAHAHAHAHA BET!

    ReplyDelete