Tuesday, March 15, 2016

Paano nga ba ang mag-move on???

OO nga noh... Paano nga ba...
Palasak na ang tanong na ito. Marami na ang dumanas sa ganitong sitwasyon. Bawat isa ay may paraan, bawat isa ay may istorya kung paano nairaos at naiahon ang pusong nalugmok, isipan na natabunan ng kalungkutan at nakapagsimula muli ng panibago. 

Alam mo magtanong ka lang kay Google at madami siyang suggestion na ibibigay sa iyo. Garantiya na may makukuha ka. Magtanong ka din sa mga taong nakaranas na nito. Ika nga ng iba…ang karanasan siyang pinakamahusay ng tagapagturo.

Ang pagmo-move on ay hindi yata talaga maiwasan sa buhay ng tao. Hindi lang naman ito patungkol sa buhay pag-ibig eh. Kasama din dito ang lahat ng pagkabigo sa mga bagay sa iyong buhay.

Kung paraan lang..maraming paraan para mag-move on. Wala na nga akong maisip na bagong salita o pamamaraan. Pero ganoon pa man ay sasabihin ko pa rin ang laman ng aking isipan.
Una..maaaring mong gawin yung mga nakasanayan ng paraan, yung mga naririrnig mo sa mga kabigan mo na hindi pa naman dumaan sa ganito.
Pangalawa…pwede rin yung ginawang paraan ng mga tao na dumaan dito. Sila bang may ginawang mga formula o hakbangin. Yung step by step process. Yung pwede mong mabasa sa libro o sa internet
Panghuli…gumawa ka ng sarili mong paraan o formula kung paano mag-move on. Yung bang tipong masasabing sarili mong paraan.

Sa bagay, kahit ano naman ang piliin mo sa tatlo na yan…kung hindi ka rin magdedesisyon at hindi mo tutulungan ang iyong sarili wala din kwenta lahat ng paraan.


Ika nga ng narinig…kahit gaano man kaikli o kahaba ang pagmo-move on, hindi matatapos yan hangga't hindi mo sisimulan. 

18 comments:

  1. Hindi mo rin masasabi kung makakatulong nga yung mga taong nasa paligid mo ee. Kaya mas better kung sarili mo ngang paraan ang gagawin mo para mag move-on sa isang tao.

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. ang importante ay alam mo at kung saan nagsimula ang lahat.at balikan mo ito.wala naman kasing problema na hindi nalulutas.tao lang tayo kaya ubligado nating pagdaanan lahat ng mga problemang dadating sa ating buhay.

    ReplyDelete
  4. ang importante ay alam mo at kung saan nagsimula ang lahat.at balikan mo ito.wala naman kasing problema na hindi nalulutas.tao lang tayo kaya ubligado nating pagdaanan lahat ng mga problemang dadating sa ating buhay.

    ReplyDelete
  5. ang importante ay alam mo at kung saan nagsimula ang lahat.at balikan mo ito.wala naman kasing problema na hindi nalulutas.tao lang tayo kaya ubligado nating pagdaanan lahat ng mga problemang dadating sa ating buhay.

    ReplyDelete
  6. hindi nman dapat nakabase sa iba ung proseso mo ng pagmo move-on, mas ok kung sa sariling pamamaraan padin. and pinaka importante, kung sisimulan mo na nga ba mag move-on. mamaya puro salita kalang kulang ka naman masyado sa gawa. :)

    ReplyDelete
  7. Wala naman maitutulong ang nakasulat na yan ehh. Ang totoong makakatulong lang din sa PagmoMove-on mo ay ang sarili mo. Marami nga nagpapayo kung sayo mismo hindi mo gingawa kung ano ang sinsabi nila... In My Opinion :D

    ReplyDelete
  8. Ang PagmoMOVE-ON hindi gina gawa nang mag isa.Ginagawa ito nang maramihan
    Una mag sisimula sayo tapos susuportahan ka nang family mo tapos friends mo hangang sa unti-unti ka nang nakaka move-on nang hindi namamalayan :P
    It's MY Opinion :D

    Nice

    ReplyDelete
  9. napaksaya nito dahil magiging strong ka..hahaha

    ReplyDelete
  10. "There's really no shortcut to forgetting someone. You just have to endure missing them everyday until you don't anymore"

    ReplyDelete
  11. Personal na pautang:

    Hello ginang o Mr.
    Ako ay isang internasyonal na tagapagpahiram na kinikilala sa buong kontinente.
    Mayroon akong ambisyon na matulungan ang lahat ng mga taong nagigipit.
    Mangyaring makipag-ugnay sa akin sa pamamagitan ng e-mail para sa karagdagang impormasyon.
    E-mail: leferfrancisjean@gmail.com
    Mabait na bumabati.

    ReplyDelete