Ang mga katagang ito ay narinig ko habang ako ay nasa jeep
pauwi ng aming bahay. Nahulog ang pinagkainan ng ale. Itapon mo na iyan sabi ng
kaniyang kaibigan. Naalangan ang ale, at sinulsulan ng kaniyang anak…”Nay,
itapon mo yan WALA NAMAN NAKAKAKITA EH” Bigla akong napaisip sa aking narinig.
Paulit-ulit ito sa aking isip. Anu-ano ang pumapasok sa aking kaisipan. Hanggang
sa nasabi ko na lang sa aking sarili na,
ito ang salita na nagpapahamak sa isang tao. Nagpapahirap at pumipigil sa
pag-unlad ng isang lugar. Humahadlang sa kabutihan ng isang tao.
Wala namang nakakakita eh kaya…..
Magtatapon ka na ng basura kung saan saan
Mangungupit ka na sa iyong magulang
Mangongopya ka na sa iyong kaklase
Mandadaya ka na sa iyong ginagawa
Iisahan mo na ang iyong kapwa
Tutuksuhin mo na ang ibang tao
Gagawin mo na yung hindi pa dapat gawin
Aayain mo na ang kasintahan mo sa motel
Hindi ka na susunod sa pangaral at habilin ng iyong magulang
At hindi ka na susunod sa batas
Minsan akala mo lang na walng nakakakita pero nakita at
napansin kita.
Ang sikreto mong ginagawa sa mata ng tao, scandal naman ito
sa kalangitan
DO RIGHT J
YES! Only GOD knows, siya lang kasi ang nakakaalam ng lahat :)
ReplyDeleteTama alam ni God lahat ng ginagawa natin. Ingat!
ReplyDeleteTama alam ni God lahat ng ginagawa natin. Ingat!
ReplyDeletethink before do it dahil my nagmamasid lng sa paligid
ReplyDeletekahit walang nakakakita hindi mo parin dapat gawin ang mga bagay na alam mong mali
ReplyDelete