Sadyang
napakagulo ng salitang pag-ibig… ito nga ba ay isang emosyon lang o isang
gawain.
Sa
panahon ngayon, maraming mga kabataan ang pumapasok sa isang relasyon na hindi talaga lubos na nauunawaan ang salitang
pag-ibig. Kahit sa tahanan pa lang ay busog na tayo sa pangaral na, hindi pa
pwede, wag ka muna anak mag-boyfriend o mag-girlfriend, pagbutihin mo muna ang
pag-aaral. Sa paaralan ito rin ay napapaalala sa mga kabataang mag-aaral. Sa
simbahan ito rin ay itinuturo, ipinauunawa na walang dakilang pag-ibig kundi
ang pag-ibig sa Diyos at sa mga magulang at maging sa kapwa.
Ano man
ang iyong dahilan ay hindi kita maaaring husgahan. Iyan ay isang desisyon na
pinili mo. Maaring pinag-isipan mo o nabigla ka lamang. Na sana ay hindi naman.
Bilang isang nagmamalasakit sa kapwa ko kabataan at mga kaibigan, ang aking
isipan ay kusang nag-usal. Maging ang aking puso ay nakisang-ayon na ako ay sumulat. Kaya dali-dali kong kinuha ang
aking laptop at nagsimula na pumindot sa mga letra nito. Eh love month naman
eh.
Sa aking
mga kaibigan, ang paalala ko lang ay
huwag kayong magmadali sa bagay na ito. Ito ay isang bagay na dapat ay dumadaan
sa proseso at patunayan na panahon. Enjoy mo lang muna ang pagiging isang single.
Alam na alam mo naman ang katagang “SA TAMANG PANAHON”. Ituon mo muna ang
pagmamahal mo sa Diyos na siyang lumikha sa iyo. Ang Diyos na nagbibigay lahat
ng pangangailangan mo kahit kung minsan (madalas pa nga minsan) ay hindi mo ito
hinihingi sa kaniya. Itali mo sa isipan mo ang iyong mga magulang na
nagpapakasakit at nagpapakahirap para lamang maitaguyod ka niya. Isipin mo kung
nakabawi ka na ba sa kanila. I-consider
mo din ang mga tapat mong kaibigan na nakapaligid sa iyo at kasama mo. Silang
mga nagsasabi ng katotohanan.
Hindi
naman sa kita ay binabawalan. Sino ba naman ako? Hindi mo naman ako magulang o
hindi mo rin ako bestfriend o maaaring wala din akong kinalaman sa buhay mo.
Ang sa akin lang, ay isang paalala. Paalala upang hindi mo malimutan. Kung
minsan kasi ay nabubulagan ka ng tinatawag mong pag-ibig. Maging ang tenga mo
ay barado ng pantasya na gawa gawa mo.
TANDAAN
MO...HINDI LAHAT NG BAGAY AY MINAMADALI.
Pagdating
sa pag-ibig, para itong pag-unawa sa libro ni Dr. Jose Rizal na Noli Me
Tangere. Kung bakit upo ang inilagay niya sa Tinola.
sobra kong naapreciate yung blog nato ,siguro nga sa aming mga kabataan ngayon napakadai lang ang mag bf/gf kung maganda at gwapo ka. madali lang para sa amin ang makahanap. pero hindi pa talaga namin nauunawaan ang tunay na kahulugan ng pagmamahal. ngayon ko naunawaan na oo nga pala may Diyos at may pamilya na nagmamahal sa atin, at lahat naman nga naman ng bagay ay nasa "TAMANG PANAHON"
ReplyDeleteits right. kasi nga hindi ka naman ma uubusan ng mamahalin sa dame ng lalake at babae sa mundo posibleng ni isa eh walang nakalaan para sayo.pagtuunan muna ng pansin ang pag aaral pag nakatapos at may maganda ng trabaho.yun na siguro ang tamang panahon.first priority pala ang parents pag ok na sila.dun palang pwedeng bumuo ng sariling pamilya
ReplyDeletewag magmadali dahil may right timepara sa pagibig...
ReplyDeleteTamang panahon<3
ReplyDeleteTamang panahon<3
ReplyDeleteSalamat sayo kaibigan na laging nariyan upang paalalahanan mga isipang naguguluhan. i pray na gamitin ni Lord ang iyong talento sa paglikha sa mas marami pang mabubuting bagay para sa iyong kapwa :) GOD BLESS TNX PO SA MESSAGE :)
ReplyDelete